THIRD PARTY
Sa pagbabalik ni halcunera mula sa kamatayan, naisip ng apat na charmed at ng mga gabay ng mga ito na gumawa ng isang munting salo salo.
"Paniguradong masisiyahan si nera nito" abot hanggang tainga na wika ni falcon. Nagkatinginan sina fero, elena, aria at napailing nalang.
Sabay na nagkatinginan ang mga ito ng makitang palapit si owen may dalang ibat ibang pagkain.
Naiilang na humarap ito at nilapag sa mesa ang mga dala.
"Gusto kong magpasalamat sa effort niyo upang pasiyahin si lyhian" tipid nitong wika.
"Wala iyon, nais din naming pasayahin si nera at saka pagdiriwang ito sa muling pagbabalik ng aming kaibigan. Kahit na sa kabila ng kaguluhang nangyayari sa dalawang mundo kailangan nating sumaya" ngiting wika ni fero.
"Salamat at patawad sa kaguluhang ginawa ko" nakayukong wika ni owen.
"Huwag kang humingi ng tawad owen dahil isa kalang sa mga walang malay na biktima ni hallow" wika ni elena.
"Ngunit ako parin ang dahilan kung bakit namatay si lyhian" mariing wika nito at humugot ng buntong hininga.
"Don't blame yourself owen" singit ni falcon sa usapan ng mga ito. Napatingin ang apat rito at kay owen.
Tipid na ngumiti si owen sa binata "salamat sa pag mamahal mo kay lyhian kahit na hindi ako sang ayon ron ngunit iyon ang nanging daan upang makabalik si lyhian" tipid na ngiti ni owen.
Umiling si Falcon "nagkakamali ka owen, ang iyong pagmamahal ang dahilan kung bakit nakabalik si nera, ang aking pagibig para sa kaniya ay hindi sapat upang pabalikin siya" tanggap nito na kulang ang pag ibig nito para kay nera, na hindi ito para sa kaniya. Naalala nito ang mga sinabi ni queen Aya.
-flash back-
"Kamangha mangha, hindi ko inaasahan na ang ibang halik ang nagbigay buhay kay nera?" wika ng reyna ng sea nation.
"Ano pong ibing sabihin niyo mahal na reyna?" takang tanong ni falcon.
"Ang tunay na halik at pag ibig ang nagpabalik kay nera falcon, ang ring of life ay hindi gumana kay nera dahil hindi ka mahal ni nera" napabuntong hininga ito.
"Hindi sapat ang pag ibig mo falcon dahil one sided love lang ang namamagitan sa inyo. Sa istado nina owen at nera ay mahal nila ang isat isa kaya kahit walang ring of life ay nagawang bumalik si nera dahil sa kapangyarihan ng pag ibig" napangiti ito.
"The most powerful na sandata ay ang pag ibig" masayang wika ng reyna at pinagmasdan sina owen at nera na magkayakap. Napatingin rin si falcon sa mga ito.
-end of flash back-
"Kaya binabati kita dahil ikaw ang mahal ni nera" bakas sa mukha nito ang pagtanggap na hindi siya mahal ni nera.
"Ahermmmm" putol ni ajuha sa seryusong usapan ng dalawa.
"Tama na iyang drama ituloy nalang natin itong pag aayos upang sa paglabas ni nera sa silid pagamutan eh maumpisahan na nating itong kasiyahan" ngiting wika ni elena.
**HALCUNERA**
Napasilip ako sa bintana, napahugot ako ng buntong hininga. Nag aalangan ako kung lalabas ba ako o hindi, nang bumalik na ang aking lakas at napagtanto ang mga nagaganap sa aking paligid lalo na nung nasabi sa akin ni fero ang dahilan kung bakit ako nabuhay. Ginamit ni falson ang ring of life ngunit hindi ito gumana sa akin. Ang pag ibig ko at pag ibig ni owen ang dahilan kung bakit ako nakabalik. The power of love ang higit na makapangyarihan sa lahat.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasiThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...