"Tayo..." sigaw sa akin ni mang ollan. Napangiwi ako sa sakit ng tuhod ko, nahulog ako sa pagkakatayo sa maliit na kahoy.
One week na akong nagsasanay humawak ng mga iba't ibang sandata at ngayon naman balanse ang pinapagawa sa akin. Hindi ko na kaya ang pinapagawa nito, gusto ko ng maglupasay sa lupa sa pagod.
"time out muna" halos wala ng buses na lalabas sa bibig ko.
"Hindi pwedi, wala na tayong oras. Tayo..." i have no choice but to fallow his order.
Parang gusto kong bawiin ang pagtanggap sa kapalaran ko.
"Master, baka mas maiging pagpahingahin muna siya" napatingin ako kay maiko na nakatayo sa gilid ng puno malapit sa batis.
Gusto kong yakapin ito dahil sa sinabi nito.
Napatingin si mang ollan sa akin at sa tuhod kong dugo-an.
"Sige, ngayon lang.." pagkawika umalis ito.
Lumapit si maiko sa akin at tinignan nito ang sugat ko.
"tsk tsk" umiling ito.
"Aray...." gusto kong batokan ito ng hawakan nito ang sugat sa tuhod ko.
"Relax, gamutin muna natin yang sugat mo" inilalayan niya akong umupo sa malaking bato sa tabi ng batis. Napangiwi ako ng dampian nito ng dahon ang sugat, gusto kong sumapak sa hapdi ng tuhod ko.
"Dahan dahan naman" reklamo ko, palibhasa hindi ito ang nasugatan kaya pabarabara nalang nito idinampi ang dahon.
"Huwag ka kasing malikot..." napakamot ito.
"Eh masakit at saka nakakagamot ba 'yang dahon na yan?" duda ako. Basta nalang nito pinitas sa tabi ang dahon at tinapal sa tuhod ko ng walang pakundangan.
"Mas mabisa pa itong dahon na ito kaysa sa gamot niyong mortal" diniin pa nito ang dahon na nakalagay sa sugat ko dahilan upang mangiwi ako lalo at hindi ko napigilang hampasin ang balikat nito.
"Aray, babae kaba talaga? Ang sakit mong manghangpas?" ngiwi nito at hinimas ang balikat na namula, sa lakas ng hampas ko bumakat ang kamay.
"Sa tingin mo?" balik tanong ko rito.
"Lalaki"
"Aray..." mas lalo kong nilakasan ang hampas rito, akalain ba namang lalaki ang tingin nito sa akin.
"Mababalian ako ng balikat sa iyo" reklamo nito at lumayo sa akin.
Gusto ko pang dagdagan ang hampas rito ngunit hindi ako makalapit dahil masakit pa ang tuhod ko. Muli napangiwi ako at inihipan ang tuhod.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...