CHAPTER 3

9.7K 308 2
                                    

                  "Alam ko ang nangyari sayo kanina?" wika ni mang henry na nakaalalay parin ito sa'kin.

Napatingin ako sa matanda, hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin nito? Malapit na kami sa bahay at ngayon lang ito nagsalita buhat ng umalis kami.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko rito.

"Sa tamang panahon malalaman mo rin" turan nito at iniwan ako sa harap ng bahay.

Palaisipan sa'kin ang mga sinabi nito. Hangang paghiga ko, ito parin ang nasa isip, ano ang mga narinig ko?. Hinawakan ko ang aking mga tainga at may naramdaman akong dugo.

"What..." pinunasan ko ito.

Tinungo ko ang terrace at dumongaw rito, i find peace. Isang ibon ang nakita kong palipad lipad sa harap ko, namangha ako dahil hindi basta ibon isa itong aguila. Dumapo ito sa gilid ng terrace napangiti ako lalo kong napagmasdan ang itsura nito. Puti ito ngunit sa pakpak nito ay may kulay grey. Ang ganda nito, tumingin ito sakin na parang may pinahihiwatig. 

Nangilabot ako sa naisip. Dali dali akong pumasok at sinarado ang pinto. Iyan kana naman lhyian kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo. Napailing ako upang iwaksi ang nasa isip. Humiga ako sa kama, hindi ko namalayang nakatulog ako.

                        "Humingi ka ng sorry kay lhyian!" napalingon ako kay lola na nakaupo sa puntod ni lolo. Hanggang ngayon iyon parin ang sinasabi nito. Ayukong pakinggan ito dahil para sakin maling mali ang ginawa ni lhyian. Nagawa nitong umarte para lang mapansin. Nakita ko ang pag alala sa mukha ng aking lola.

"La pwedi bang mamaya nalang natin pag usapan?" iwas ko rito. Ayukong makipagtalo rito at gusto kong mag muni muni muna sa harap ng puntod ng mga magulang.

I miss them so much, kung pwedi nga lang, gusto ko silang makita ngunit napakaimposible ang nasa isip.

Humihip ng napakalakas na hangin at dumilim ang kalangitan. Mukhang uulan ng malakas napalingon ako sa matandang nakatingala sa langit.

"Nasan na kaya si henry? Kailangan na nating umuwi at mukhang uulan?" wika nito at napatingin sa direksiyon kung saan nag tungo si lhyian at si mang henry. Ito ang care taker dito sa isla kaya alam nito ang mga pasikot sikot dito. Kahit sila ang may ari hindi niya kabisado ang daan pabalik sa bahay.

Inalalayan ko ito upang tumayo at inayos ang mga gamit. Saktong pagkaligpit ko dumating ang matandang taga pag alaga sa isla.

"Kailangan na nating magmadaling umuwi helen, mukhang uulan ng malakas" turan nito. Pumasok kami sa masukal. Hanga ako rito dahil lahat ng pasikot sikot sa isla ay alam.  Iba ang dinaanan namin mas mabilis kaming nakarating sa bahay.

"Salamat henry sa susunod uli?" ngiti ni lola rito. Isang matamis na ngiti lang ang sinagot at umalis na. Mag mula umpisa nagtataka na ako rito? Hindi ito palasalita, tahimik lang ito at palaging nakamasid sa paligid.

Ang sabi ng lola niya ganun talaga ito, magkakilala ang mga ito ng bilhin nito ang isla. Dahil alam nito ang pasikot sikot ito na ang kinuha ng lola niya upang tumingin sa isla.

Isang katahimikan ang nabungaran namin sa loob ng bahay. Kusa akong umakyat sa hagdan upang tignan si lhyian. 

Nakita kong mahimbing itong natutulog. Ibang klase talaga ito, hindi ba nagsasawang matulog? Bumalik ako sa baba upang tignan si lola.

"Oh nakita mona ba si lhyian kung asan siya?" tanong nito sa'kin. Kumuha muna ako ng maiinom at tumingin rito.

"Ayon mahimbing ang pagkakatulog" sarkastiko kong sabi. Hindi parin ako makamove on ginawa nito. Hindi ko alam kung bakit madali akong mainis at maawa rito.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon