CHAPTER 33- Knowing each other

4.4K 146 4
                                    



                      "Wow ang ganda dito!" mangha kong wika sa mga kasama ko. Kasalukuyang nasa Lunsod kami ng Sky Nation, pagkatapos kaming ipakilala sa isa't isa at sa lahat binigyan kami ng pagkakataong magliwaliw bago kami papasok sa Sky University upang umpisahang mag training at alamin ang mga natatago pa naming kakayahan. Napagdisisyunan kasi nila na kailangan naming sanayan ang aming kapangyarihan na kahit tumutol si elena ng una dahil kaya naman na daw nitong kontrolin ang kapangyarin. Gayun din sina fero, ajuha at aria hindi na daw kailangan ngunit sabi nila kailangan maging handa sa lahat kaya kahit totol silang apat eh ako okey lang dahil aminin ko man o hindi..hindi ko pa kayang hawakan ang mga sandata ko lalo na at hindi pa nagpapakita ang tatlo sa mga sandata.


 Kasama ko ngayon sina fero, ajuha, aria molly at si elena. Gusto sanang sumama ang mga gabay namin ngunit pinaiwan sila ng mga hari't reyna kaya eto magkakasama kaming lima. 


"Halikayo may magandang tanawin dito" wika ni aria. Ito ang nagprisintang maging tour guide nila dahil taga rito ito. Sinundan namin ito at namangha kami ng humantong kami sa malawak na park at sa gitna nito ay may malawak na falls. Maraming mga mamayan ang namamasyal at minsan nga napapatingin sila sa amin. Lalo na ang mga kalalakihan napapatigil sila tuwing napaparaan kami sa harapan nila. 


"Diba sila yong mga napili?" rinig kong wika ng isang lalaki sa katabi nito.


"Oo sabi pa nga nila sila ang The charmed!" wika rin ng isa.


"Ang gaganda nila!!" matinis na wika ng babaeng katabi ng unang nagsalita. Napangiti ako sa kanila dahilan upang mapatulala ang mga lalaki. Naks ganun naba ako kaganda? Hindi maipinta sa mukha ko ang kasiyahan. Sa aming lima ako ang walang binatbat sa ganda. Imaginin mo naman kasi mga purong diwata ang mga kasama ko. Ako lang ang mortal well noon yon? Ngayon I'm belong to them.


"Anong nginingiti mo diyan?" kunot noong wika ni elena. Kahit kailan talaga panira sa moment tong itim naito.


"Wala" wika ko nalang. Napailing nalang ito at nilampasan ako.. Napakamot nalang ako sa noo at lumapit sa mga ito. Hindi ko maiwaglit ang aking paningin sa tanawing nakikita. Ang sarap sa feeling ang sariwang hanggin at hindi lang iyon ang sarap tignan ang malawak na falls.


"Take a look guy's" excited na wika ni aria at tinuro sa amin ang ibaba ng falls at pigil hininga ako ng may biglang may lumipad na iba't ibang kulay na dragon.


"Wow" sabay na wika namin ni fero. Si ajuha naman ay napanganga habang si elena poker face parin. Lahat ng naroon ay napasigaw ng sabay sabay na nag buga ng apay at ang lalong nagpahanga sa akin ay ang iba't ibang kulay ng apoy nila. Napgpalakpakan sila ng may biglang may musika ng namutawi sa kalangitan. At ngayon ko lang napagtanto na may nakasakay na mga nilalang sa mga dragon.


"Sakto ang punta natin dito dahil may dragon dance na taon taong ginaganap ng mga mag aaral sa sky university!" ngiting wika ni aria.


Nagpalakpakan kami ng nagpaikot ikot pa ang mga ito. Speechless nanaman ako dahil sa mga nasasaksihan ngayon. Dati sa mga fantacy noble ko lang ito nababasa at sa tv ngayon nakikita ko sila harapan. Tapos na ang palabas ng tapikin ako ni ajuha at sinenyasan na aalis na kami. Humantong kami sa isang kainan..namangha ako dahil hindi ko lubos akalaing may ganitong kainan akala ko sa mundo ko lang ito nakikita. Modern narin pala dito?

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon