CHAPTER 38- Blue Moon

4.1K 216 11
                                    


             "Focus nera! Focus!" napapikit ako ng mariin ng marinig ang sigaw ni halcu. Ngali ngali kong batuhin ito ng bato na nakakalat sa harap ko upang matigil sa kakasigaw ng focus! kaso hindi ko magawa kasi sarili ko rin ang sasaktan. Kasalukuyang nasa isang waterfalls kami sa hilaga ng sky nation upang magsanay kung paano palabasin ang kambal kung aguila. Napabuntong hininga ako ng maalala kung paano ako nito pasunorin ng pilit upang magsanay kasama ito. Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan nito kung bakit biglaang nais nitong lumabas?


Nung pagkagaling ko buhat sa Temple Mountain at naipasa na ni hyzias sa akin ang kapangyarihan nito ay hindi na mapakali si halcu sa isipan ko. Pati ako hindi na mapakali sa iisang lugar.


"I said focus! Hindi kung saan saan napupunta ang isipan mo?!" napahawak ako sa aking tainga sa lakas ng sigaw nito. 


"Pwedi bang huwag mo akong sigawan? Lalo akong hindi makafocus sa ginagawa mo eh!" sigaw ko rin. Buti nalang kamilang dalawa este mag isa ako sa lugar na iyon dahil pag nagkataon maraming mabubulahaw sa sigaw namin! Oo nga pala sigaw ko lang dahil sa isipan ko lang sumisigaw ang pinakamabait na aguila sa buong mundo. Tsk tsk tsk....


Kanina pa ako nakaupo sa ilalim ng talon at malapit na ring maubos ang hininga ko dahil sa tubig na tumatama sa mukha ko. Ang hirap naman kasi ang pinapagawa sa akin nitong  impaktong aguila na ito. 


Napabutong hininga ako at pumikit muli at binura lahat na nasa isapan upang makafocus ako. Kailangan kung mailabas lahat ng kapangyarihan meron ako. Tsk tsk tsk paano ko naman pagsasabaying palabasin ang walong kapangyarihan plus ang kapangyarihan ni hyzias na hindi lumalabas ang mga sandata ko? Napakaimposible talaga ang mga sinabi ni halcu.


"Ano ba nera? Ano ba ang nasa isipan mo at hirap na hirap ka sa pinapagawa ko?" matigas nitong wika. Halatang ubos na ang pasensiya nito sa akin.


"Eh ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo? Napakaimposibleng kakayanin kong ilabas lahat ito na hindi lumalabas ang sandata ko?" napasimangot ako.


"Kaya mo?! Kailangan mo lang magfocus at pakalmahin ang sarili mo upang dumaloy sa buo mong katawan ang kapangyarihan mo?" 


"Okey!" huminga ako ng malalim at pumikit. I cleared my mind. 


Minutes pass by....I feel something strong energy come into my body. Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking palad upang dito kumuha ng lakas dahil sa lakas ng nararamdaman ay gustong bumigay ang katawan ko.


"Relax nera, remember you need to control the power running into your body don't let your power control your body" malumanay nitong wika.


Ramdam ko ng nanginginig ang aking katawan hindi dahil sa malamig na tubig na tumatama sa aking mukha kundi nanginginig ako dahil sa lakas ng kapangyarihang nasa katawan ko ngayon. I need to control my power or else my power will control my body... Hinding hindi ko hahayahang mangyari iyon. Lalo kung hinigpitan ang pagkakapikit ng mata at pagkakakuyom ng aking kamay na dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihang bumabalot sa akin. I try my best to hold na umabot sa puntong dumudugo na ang aking ilong.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon