KING LUKI of Winka Nation
******
I feel like I'm home. Yes this is my home..Ilang beses ko bang sinabi sa sarili ko na hindi ito totoo na itoy isang panaginip lang. Hindi ko alam kong ilang araw o buwan na ako rito. Ngunit ngayon ko muli naramdaman iyong feeling na I'm secured. Napahugot ako ng buntong hininga at pumikit. Ninanamnam ko ang maligamgam na tubig. Nasa bat tab ako at nagbababad. Naalala ko kanina na gusto pa akong paliguhan ng mga taga silbi dito sa palasyo ngunit hindi ako pumayag. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan. At saka gusto kong mapag isa. Gusto kong mag isip ng tahimik iyong wala akong nakikitang ibang nilalang.
I really miss them. Hindi maialis sa akin ang pangungulila sa kanila.
"Ahhhh" mahina kong sigaw.
"This is my new self halcunera..halcunera?" para akong baliw na kinakausap ang aking sarili. Sa isang iglap lang nabago ang aking pangalan at identity. At hindi basta basta bago. Isa na akong makapangyarihan na nilalang pero hindi parin dahil ang mahina at lampang Lhyian ay nasa akin parin.
Hindi ko alam kong ilang halimaw pa ang kakaharapin ko maliban sa nakaharap kona. Napaupo ako sa naisip, may isang katanungan na sumisiksik sa aking isipan. Kaya ko nabang kaharapin si hallow?
"Ay ayuko na.." bumangon ako sa pagkakahiga sa battab. Nagkamali ata ako ng disisyon na magisip dahil lalo akong naiistress sa kong ano anong pumapasok sa isip ko. Nagbanlaw ako at sinuot ang damit na inihanda ng mga tagapagsilbi. Its a long white gown, longs leave na may raffle sa dulo, kita ang cleavage ko at hapit sa aking baywang. Ibang klase rin dito kong paano manamit. Ito ba ang pangbahay nila? Nag alinlangan pa akong isuot dahil baka mabigat kagaya sa binigay sa akin ni falcon. Pero sinuot ko narin upang matry naman ang ganitong kasuotan. Sa tv ko lang kasi ito nakikita.
Sakto naman na tapos na ako sa pag aayos ng may kumatok.
"Magandang gabi binibini, pinapapunta kami ng mahal na reyna dito upang ayusan ka!" nangunot ang noo ko. Anong meron? Pumasok ang tatlong babae iyong isa may dalang box.
"May gaganaping kasiyahan ngayon gabi Binibini" nakuha nito kong ano ang nasa isipan ko.
"Kasya pala sayo ang damit na pinili ng mahal na reyna para saiyo!" ngiti ng isa. Inilalayan nila ako upang makarating sa isang tukador na may salamin na malaki. Kita ko ang reflecktion ko rito. Ngayon ko lang napagtanto na ang laki ng pinagbago ng pyschal na kaanyuhan ko. Ang dating itim na itim na buhok ko ngayon may halo ng puting buhok na kasing haba ng itim. Noong una kong tingin ay kunti lang ang puting high light sa buhok ko ngayon dumami na, nagkalat sa iba't ibang parte ng buhok ko, na dating maiksing buhok ko biglang humaba hanggang baywang. Ang Mata ko na dati dark brown ngayon puti na may halong grey at sa gilig nito ay black. Ang kutis ko na dati brown ngayon puting puti na. Hindi na ako si lhyian ako na si halcunera. Kong makikita siguro ako ng mga dati kong kakilala hindi na nila ako makikilala dahil ang daming nagbago.
They chomb my hair slowly.
"Wow ang ganda..ngayon lang ako nakahawak ng ganitong uri ng buhok" wika ng babaeng may dala ng box. Tipid akong ngumiti sa mga ito. Mabilis silang kumilos tinali nila patalikod ang kalahating buhok ko habang iyong kalahati ay nakalugay. Nilagyan nila ng kunting kulay ang labi ko at talukap ng aking mata. Uso rin pala rito ng make up. Wala akong imik na tumayo ng tapos na sila at tinignan ang finish product ng mga ito. Halos hindi ko makilala ang aking sarili. Maganda pala ako..napangiti ako sa naisip. Mukha na akong diwata...
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...