Malaking letrang O ang hugis ng bibig ko ng makita ang mala paradise na isla. Puting buhangin, asul na tubig at magical na forest. May burol na napapaligiran ng mga puno at sa gitna nito ay isang malapalasyong bahay.
This what i dream about, feeling ko nasa ibang dimensiyon ako. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid ng mapadako ang aking paningin sa isang masukal at mapunong parte ng isla. May naramdaman akong malakas na pwersa na humihigop sa'kin patungo rito.
Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa ng may humila sa'king balikat.
"saan ka pupunta?" baritunong wika nito. Nakilala ko agad kung sino. Nilingon ko ito.
"Ahh-"
"This is your first time here kaya hindi ka pweding basta bastang mag gagala rito?" mas kumunot ang noo nito. Napakamot nalang ako sa ulo, napalingon ako sa direksiyon kung saan dapat ako tutungo.
"Ano ba ang tinitignan mo run?" nakitingin narin ito.
"Wala" binalingan ko ito at nilagpasan. Nagmamadaling tinungo ko si lola helen. Mahirap na baka kung ano pang masasakit na salita ang marinig ko rito.
"Wow lola, ang ganda dito" nilibot ko ang kabuohan ng bahay. Dalawang palapag lang ito ngunit ang luwang. Pwedi kang mag paparty sa sala sa lawak, may dalawang hagdan na magkasalubong sa isang pinto.
Ngumito lang ito at hinila ako patungong hagdan. Pagpasok namin dito isang mahabang hall way na parang hotel dahil may anim na pinto ito. Pumasok kami sa ikatlong pinto at bumongad sa'kin ang malaking bilog na kama sa gitna at sa gilid nito ay may pintong papuntang terrace.
Nanlaki ang mga mata ko daig ko pa ang nakapasok sa kwarto ng prinsesa.
"Do you like it?" wika ni lola helen.
Isang tungo lang ang sinagot ko rito.
"then its your's" nakangiting saad. Lalong lumaki ang aking mga mata.
"Really 'la..." isang tungo ang sinagot.
"Yes" sigaw ko at nag tatalon ako sa malambot na kama. Puno ng tawa sa loob ng kwarto ko ng pumasok si owen na nakakunot ang noo.
"Stop doing that" turan nito.
Sa subrang lambot ng kama at pagkagulat ko kay owen ay napasubsub ako sa gilid ng kama.
"Are you okey hija?" tarantang inalalayan ako ni lola helen. Pulang pula ang aking mukha sa sakit at sa pagkapahiya sa harap nito. Shet na malagkit ang sagwa kong tignan.
Para akong palaka na tumalon. Tumayo ako at inayos ang itsura ko at tumingin kay owen. Naiinis ako rito, gusto kong tirisin ang pagmumukha. Napahinto ako sa naisip ng maaninag ko sa mga mata nito ang pag-alala ngunit saglit lang ito.
"Kahit kaylan hindi ka nag iingat" lalo akong nagngitngit sa inis ako pa talaga ang sinisi.
"Owen sumusobra kana" saway ng lalo.
Natahimik ito at iniwas ang mata sa amin.
"Sorry" mas malamig pa sa yelo ang paghingi nito ng sorry. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Gusto kong umiyak sa harap nila ngunit pinigilan ko, ayukong ipakita rito ang kahinahan ko.
"Magpahinga kana muna lhyian bago tayo kumain" putol ng matanda sa katahimikan. Hindi ako sumagot dahil pag ginawa ko iyon siguradong aatungal ako sa iyak.
Narinig ko ang pag sarado ng pinto. Napasalampak ako sa kama at kusang nahulog ang aking mga luha.
Mas masakit na marinig ang malamig na sorry nito kaysa sa pagkakahulog ko sa kama. Bakit nakakaramdam ako ng kalungkotan sa aking puso?
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasíaThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...