CHAPTER 69 - The King of Darkness

3K 121 9
                                    

AUTHOR NOTE'S: It's time to reveal who is hallow? 

-------------------------------------------------------------------------------

-------------------------------------------------------------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HALLOW


THIRD PERSON


Sa mundong ito tayong mga nilikha ay may kalayaan kung ano ang pipiliin at kung ano ang gagawin? Bawat disisyon may kaakibat na resulta, bawat tao o ano mang uri ng nilalang ay may dahilan kung bakit mas pinili ang kadiliman kaysa sa liwanag. Sa likod ng mukha ng hari ng kadiliman may nakatagong lihim na siyang nag udyok upang mas pinili ang kadiliman.


-50 Decades Ago-


Payapang naninirahan ang isang maharlikang pamilya. Si Haring Logan at Reyna Rose may dalawa silang anak. Si prinsipe Hollan at prinsipe Hallow. Masasabing ang magkapatid ay pinalaki ng puno ng pagmamahal.


"Bilisan mo hallow lumulubog na ang araw, baka abutan tayo ng dilim sa daan?" wika ng binatang hollan sa nakakabatang kapatid.


"Eto na...parating na" nagmamadaling humakbang si hallow upang mahabol niya ang kapatid. Kasalukuyang nasa kagubatan sila ng winka nation. Namasyal ang magkapatid at nag ensayo kung paano gamitin ang kapangyarihan ng mga ito. Araw araw na nagtutungo ang magkapatid sa gubat upang sanayin ang sarili at tuwing hapon bumabalik ang mga ito sa kastilyo upang mag ulat sa mga magulang tungkol sa progreso ng kakayahan ng mga ito. 


Masayang nag kwekwentuhan ang magkapatid patungong kastilyo ng may isang dalagang nakahilata sa daan.


Mabilis na tumakbo si hollan patungo rito "Miss are you alright?" Pilit na tinihaya ni hollan ang babae at ganun nalang ang pagkamangha ng magkapatid dahil sa kagandahan nito.


Nagkatinginan ang magkapatid "miss okey kalang?" ulit na tanong ni hollan ngunit alinghing lang ang sinagot ng babae.


"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni hallow.


"Hmmmm" muling napatingin ang magkapatid sa babaeng nasa harapan.


Unti unting nagmulat ang mata ni cleyoo at ang unang nabungaran ay ang gwapong mukha ni hollan, she blink her eyes once again just to assure what she is seeing? Isang ngiti ang nabungaran nito na lalong nagpagwapo ito sa kanyang paningin. Napangiwi ito ng maramdaman nito ang kirot sa likod ng pilit bumangon.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon