Ilang araw na magmula noong dumating kami ni maiko rito sa soul nation. At ilang araw narin akong nagKukulong sa silid aklatan upang mag aral ng ibat ibang uri ng nilalang sa buong enchanted world, kung paano sila manamit. Kung ano ang kasaysayan nila. At higit sa lahat kung bakit ako nakatagal ng ilang araw dito sa loob ng aklatan na puno ng lumang aklat ay ang paghahanap ko sa libro kung saan sabi ni mang ben dito ko matatagpuhan si Hyzias.
Napahawak ako sa aking noo na sumasakit na dahil sa dami ng binasa.
"Ahhh...." yes she is a writer but she hate reading lalong lalo kagaya nitong hawak niya na libro na halos kasing kapal ng benteng libro na pinagpatong patong at hindi pa niya maintindihan ang iba.
"Tired?!" napalingon ako sa nagsalita. Si maiko ito, nilapag nito sa harap ko ang isang baso na umousok. Napangiti ako at ininom ito.
"Pwewwwwww...." hindi ko mapigilang mapabuga sa nalasahan. Tinignan ko ito ng masama.
"Ano to?!"
"Its a tea para magising ang brains cell mo!" matamis nitong ngiti.
"Eh bakit ganito ang lasa!? Daig ko pa ang uminom ng pinakuloang ampalaya ng limang oras hah!" simangot ko.
"Effective yan!" lalo pang lumawak ang pagkakangiti. I rolled my eyes at tinignan muli ang librong nasa harapan. Napabalik ang tingin ko sa lalaking umupo sa harap ng mesa..nang iinis ba ito?
Hindi parin kasi nawawala ang pagkakangiti sa mga labi. Nanliit ang mata ko at tinignan ito ng masama. Siguradong may iniisip ito na hindi ko magugustuhan.
"What?!" wika nito na lalong ngumiti.
"Huwag mo nga akong ngitihan ng ganyan? Kinikilabutan ako sa iyo eh!" nguso ko.
Tumawa ito ng pagkalakas lakas "alam mo minsan nakakatuwa kang inisin" ngiti nito.
"Upakan kaya kita diyan!"
"relax okey! by the way narito ako para isama ka sa pupuntahan ko" kumindat pa ito.
"Hindi pwedi alam mong hindi ko pa natatagpuhan ang libro?!"
"Ipagpaliban mo muna..marami pa namang araw upang gawin iyan!" napabuntong hininga ako, napahawak ako sa aking noo na medyo kumikirot parin. Hindi ko alam kong ilang araw na ako rito. Halos hindi na nga ako natutulog eh. Ayaw naman akong tulungan nitong hinayupak na maiko ang dahilan marami siyang gagawin sa palasyo. Si reyna white naman ay nagtungo sa Sky doom upang makipagpulong sa lahat ng reyna at hari sa buong enchanted world. Ang dalawang matanda naman ay may pinuntahan at si alcon ayon buntot ni Reyna White. Kaya wala akong mahingan ng tulong maliban dito sa lalaking ito na hindi parin mawala wala ang nakapaskil nitong ngiti sa labi.
"Ano!?" naiirita na talaga ako sa pagmumukha nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/29471326-288-k360690.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...