CHAPTER 31- white vs black

4.3K 172 5
                                    



                  Nanatili akong nakatayo habang hinihintay ang pag atake nito. Naging alerto ang aking pakiramdam at ang paningin ko ay nakasunod sa susunod nitong galaw. Dinig ko ang bawat paghinga nito. Nanliit ang aking mata ng biglang nawala sa harap ko ito.


Thingggggggg


Isang tunog ng nagbanggaang ispada ang namutawi sa gitna ng madilim na gubat. Mahigpit kong hinawakan ang ispada ko, nasa may likuran ko ito at patalikod kong sinangga ang aking ispada rito. Mabilis siya kagaya ko..at malakas ito kagaya ko. Bakit parang pakiramdam ko pantay ang aming lakas. Pilit kong inaninag ang mukha nito ngunit hindi ko maaninag. Inipon ko ang aking lakas at tinulak ito.


"Yahhhhhh...." sigaw ko at sinugod ito.


Thinnnggggggg


Thingggggggg


Boggggssssssss


Iyan ang tanging maririnig sa pagitan namin...bawat madaanan naming puno ay natutumba dahil sa lakas ng pwersang bumabalot sa aming dalawa. Kita ko ang itim na bumabalot rito at ramdam ko ang puting aura na bumabalot sa buo kong katawan.


"Yahhhhhhh" sabay naming wika at nag tagpo ang aming ispada na balut ng puti at itim na aura. Parehas kaming tumilapon sa lakas ng pwersang nilabas namin. Masakit man sa likod ay pinilit kong bumangon at inaninag ang alikabok na siyang bumalot sa amin. Kita ko ang pagtayo nito. I twist my hand and the twin blade come out.


bakit ako halcunera? -hept

Eh sa ikaw ang gusto ko!? -i mentally rolled my eyes


Kita at ramdam ko ang pagdoble ng itim na aura na bumabalot sa ispada nito. Napahigpit ako sa hawak at lumabas ang puting aura. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras mabihilis akong tumakbo at sinalubong ito.


Thinnnggggggg

Thiinnnnnggggggg


Parehas kaming mabilis kumilos na halos matumba lahat ng punong madaanan namin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ito sa malapitan hindi na ako nagulat sa nalamang na babae ito dahil sa talas ng aking paningin napag aralan ko ang tindig nito at gaano katangkad. Hindi man ako insekyor ngunit mas mahubog ang pangangatawan nito at parehas kami ng tangkad. Bakit may hindi ako mawaring pakiramdam nong magtama ang aming mga mata? Mahigpit kong hinawakan ang twin blade at ubod lakas ko itong tinulak. Aminin man o hindi parehas kaming habol ang hininga.


Sh*t pag patuloy kaming ganito mauubosan lang kami ng enerhiya. Parehas kaming walang galos ni kusot nga ng damit wala eh...ang kinalalagyan lang namin ngayon ang nasira dahil dito tumatama ang nilalabas naming enerhiya. 


I curse paulit ulit ng makitang unti unting binabalutan ng itim na aura ang buo nitong katawan.


Hindi ba napapagod ang babaeng ito? -nera

She is strong like you! -wika ni hept

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon