CHAPTER 52- Reunite

4K 202 6
                                    


LHYIAN/HALCUNERA


Tahimik ang namutawi sa mga pagitan namin at magkahulugang tingin ang binigay namin sa isa't isa. Nasa tabi ko si aria, ajuha at fero samantalang nasa harapan namin si elena. Balot ito ng itim na aura at hawak nito ang sandata nito. Naalala ko ang tawag nito sa sandata nito ay sword of death. Makapangyarihan kasi ito, well kagaya ng aking mga sandata may katangian itong kakaiba at bukod tangi lang ito sa buong enchanted world.


"Tumabi na kayo, ako na ang bahala sa grim reaper na ito" matigas na wika ni elena. Nagkatinginan kami ng katabi ko. Hindi ko gusto ang ideya nito, ngayong alam ko ang kahinaan ng halimaw na ito hindi ako makakapayag na haharaping mag isa ni elena.


"We are a team elena, lalaban tayong magkakasama" seryuso kung wika. Tumingin ito sa akin at nagtagisan kami.


"Nera is right elena, sama sama tayong ibalik ang halimaw sa pinanggalinan nito" fero said. Kinumpas pa nito ang kamay at nagpakita ang maganda nitong ispada. Yari ito sa cristal at balot ng ibat ibang bato na may iba't ibang kulay. 


Bumuntong hininga si elena at tumungo. Sina ajuha at aria naman ay nilabas ng mga ito ang kanya kanyang sandata. Samantalang ako nagiisip kung paano ilalabas ang talim ng kadiliman.


"Oh nera lalaban kaba na walang sandata?" tanong ni aria habang ang tingin nito ay nasa grim reaper.


"Kayo muna ang haharap sa halimaw na iyan?" turan ko. Kunot noong lumingon sa aking ang apat.


"Akala ko ba sama sama tayong haharapin ang halimaw na ito?" turan ni elena at tinutok nito ang sandata sa gawi ng grim reaper. Napabuntong hininga ako.


"Oo ngunit sa ngayon hindi ko mailabas ang sandata ko na tatalo sa grim reaper" napapikit ako mailalabas ko man ang talim ng kadiliman hindi ko naman mabubuhat.


 Echo... you such a pain in my precious brain?- usal ko

I warn you from the very start, makapangyarihan ang talim ng kadiliman at hindi basta basta nabubuhat ng hindi karapat dapat -echo rolled his eyes.

So ano ang ibig mong sabihin? Na hindi ako karapat dapat sa sandata mo? -simangot ko.

Hindi ko sinabi iyon. -napabuntong hininga ito.

Mahaba ang bubunuin mong panahon bago mo makuha ang technique kung paano buhatin ang talim ng sandata. Sa ngayon ang madaling paraan ay magalit ka. -kung makapag salita ito parang madaling magalit?

Akala mo madaling magalit ng ganun ganun nalang? -lalo akong napasimangot.

Oo madaling magalit kumpara sa maging mabait -tumaas ang kilay nito.

Palibhasa ang sungit mo -nera.

Wala kang alam! -tumigas ang mukha nito. Hindi ako nakaimik dahil tama ito wala akong alam sa pagkatao nito.

Isipin mo na kukunin ng grim reaper si owen, mama at kapatid mo. Ano ang gagawin mo? -nanlaki ang aking mata. Talagang sinabi pa nito isa isa ang mahahalagang tao sa buhay ko?


Tumigas ang ekspresyon ng aking mukha.


THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon