Author notes: The Hephaestus, the first and last guardian of all weapon.
*******
"Halcuneraaaa...gising!!!" sigaw ni maiko habang nakikipaglaban sa mga basilisk. Habang ako nakatingin sa tatlong may ari ng sandata ko at si halcu na nasa tabi ko.
"Kailangan ka ng bumalik nera...." wika ni halcu.
"Paano?" tanong ko rito, hindi ko alam kong paano nangyari na nawala ako sa sarili at ngayon hindi ko rin alam kong paano bumalik sa katinuan.
Kinumpas ni halcu ang kamay sa harap ng mukha ko at bigla nalang akong nasa gitna nina maiko, falcon at ivho na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga basilisk.
"Hahhh" huminga ako ng malalim upang makalanghap ako ng sariwang hanging ngunit amoy dugo ng mga basilisk ang nalanghap.
"Yak...." napatingin ang mga ito sa akin.
"Halcunera.." sabay na wika ng tatlo. Ngumisi ako, nagawa pang magduet ang mga ito sa kalagayan nila.
Lumapit si maiko sa tabi ko at sumunod ang dalawa.
"Anong nangyari sa iyo?" -maiko
"may kinausap lang ako" tipid kong wika. Bumalik sa isipan ko ang twin sword na turan ni jheka. Paano ko ito mailalabas? Ang white sword ay madali lang na nagpakita sa akin dahil inisip ko ito, gayun din ang shield bigla nalang sumulpot. Ang double blade naman ay nagpakita ng minsan nagipit ako. At ang wingbow ay nong nagsanib ang lakas namin ni halcu. Ngayon paano ko ito palalabasin.
"Ang lalim ng iniisip mo ah?" napalingon ako kay falcon. Matiim na nakatitig sa akin, pinagkibit balikat ko lang ang sinabi nito.
Nilibot ko ang paningin at kita ko na marami paring natirang basilisk, hinagilap ko sina hanson at fujie na ngayon ay nakarecover na sa nangyari kanina. Bigla akong napahawak sa tagiliran ng maalalang may sugat ako rito.
"Paanong?!" wika ko ng maramdaman na nawala ang sugat na kanina lang ay kumikirot bawat galaw.
"Nera, ang sugat mo?" -maiko
Napatungo ako sa kaniya "naghilom ang sugat ko" ngiti ko. Naalala kong may kakayahang gamutin ako ni halcu.
Buti naalala mo? -halcu
Napangisi ako lalo sa tinuran ni halcu. Bumaling ang paningin ko sa mga kalaban at humanda ako. Nilabas ko ang double blade. Ngayon alam ko nang kasama ko si grecon ang isa sa pinakamalakas na swords man.
Grecon
Bumulong ako at nag-iba ang kulay ng double blade, lalong tumingkad ang patalim nito at may bumalot na blue aura dito. Namangha ang tatlong katabi ko sa nasaksihan dahil ngayon ko lang ito pinakita. Nararamdaman ko sa kailaliman ng katawan ko ang lakas ni grecon.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasíaThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...