CHAPTER 43-Battle between the two

4.1K 218 15
                                    


THIRD PERSON


Sa gitna ng labanang nagaganap sa enchanted world, sa mga kapangyarihang nagsasalpukan sa bawat Nation. Sa kabilang dako nito kung saan nakatira ang mga mortal o matatawag na mortal world ay nagwawala ang kalikasan. Nakakaranas ng paghagupit ng bagyo sa bawat bansa, pagtaas ng tubig sa karagatan, pagkidlat sa kalangitan at ang pagwawala ng iba't ibang hayop, hindi matukoy ng NASA kung bakit ito nangyayari dahil ang nasasagap nilang signal bago maganap ito ay walang paparating na bagyo o sakuna. Nababahala ang lahat dahil sa nangyayari at hindi mabigyan ng kapaliwanagan.


Ang bawat Nation sa enchanted world ay responsibilidad nila ang nagaganap sa mortal world ngunit hindi ito naiisip ng bawat hari't reyna dahil sa kasalukuyang digmaan. Sa Sky Nation kung saan nagaganap ang labanan nina aria at ang dark sea dragon kasama na si Golem isa sa babae ni hallow. Sa Nothopia nation naman kung saan naglalaban sina fero at si Echidna isa sa mga babae ni hallow. 


Sa Sea Nation kung saan naging madugong labanan sa pagitan ni ajuha at ni sirens ang isa sa mga babae ni hallow. Samantala sa Winka Nation kung saan galit at gigil na si elena sa nagaganap na labanan sa pagitan nito at ni Hydra isa sa babae ni hallow. Nagiging madugong labanan sa pagitan ng the charmed at sa galamay ni hallow.


Ngunit sa kabila nito hindi nila alam na nagpakita na si hallow sa dark palace kung saan nagulat sina hanson at fujie at ng iba pa. Hindi sumasa ang dalawa sa paglusob dahil may pinaghahandaan.


Napayuko ang dalawa "maligayang pagdating Mahal na haring hallow" sabay na wika. Tumungo lang si hallow at naglakad pabalik balik sa harap ng dalawa. Tumigil ito at humarap na ang tingin ay mapanuri.


He smirk "hindi ko akalaing dinidibdib ng lima ang utos ko sa kanila" ngisi nito.


Tumungo lang ang dalawa, hindi kayang sumagot at tapunan ng tingin ang hari ng kadiliman dahil natatakot silang magkamali sa harap nito. Kilalang walang puso ito. Kung gaano kaitim ang bughi ng limang babae nito mas maiitim ang budhi nito. Walang sinisino kahit galamay nito ay hindi pinapatawad.


Tinungo ni hallow ang malaking itim na truno at umupo ito dito.


"Namiss ko itong upuhan na ito" ngiti nito at inaplos haplos pa nito. 


"Sabihin niyo sa akin ano ang plano ni shalon?" baling nito sa dalawang nakayuko parin. Nagkatinginan ang mga ito at nagturuan kung sino ang sasagut sa tanong ni hallow.


"Naghihintay ako!" matigas nitong wika.


"Ahmm..ah mahal na hari kasi po..ano?" natatarantang wika ni fujie.


"Kasaluyukang nilalabanan ni shalon ang soul warrior mahal na hari" agaw ni hanson sa sasabihin ni fujie.


"Alam ko" napahawak sa baba si hallow habang mataman nitong tinitignan ang dalawa. May gusto pang malaman si hallow tungkol sa pangatlong plano ni shalon. Sa tagal niyang nawala sa dark palace hindi parin nawawala ang kaalaman niya sa mga nangyayari lingid sa kaalaman ng lahat nasa abyssus (latin word of hell) ito. Pagkatapos siyang bumalik buhat sa kamatayan nagging mahina siya dahil sa nawalang kapangyarihan na nagamit nito sa digmaan noon. Sa abyssus siya nagpalakas at nag ipon ng kaluluwang tinatapon sa abyssus. Ngayong bumalik siya sa dark palace lalo siyang nasabik sa nadatnang pangyayari.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon