CHAPTER 17

5.8K 220 1
                                    



               Sunod sunod akong sumubo ng pagkain na nakahain sa harapan ko. Feeling ko hindi ako nabubusog, dinampot ko ang manok na nasa tabi at walang pakundangan na kinagat ito. Hindi ko pa nalulunok ang nasa bibig ay sumubo ako ng kanin na may ulam. Sa daming pagkain na nasa bibig lumubo ang pisngi. Anytime mabibilaukan ako sa ginawa, dali dali kong kinuha ang tubig ngunit naunahan ako ni maiko na nakaupo lang sa harapan. 


Inabot nito sa akin "dahan dahan kasi ng pagkain? Hindi naman mawawala ang mga iyan sa harap mo eh?" napapailing na wika nito.


Nilunok ko muna ang nasa bibig at uminom.


"Hayyyyy...." akala ko malulunod na ako sa dami ng pagkain nasa bibig. Napahawak ako sa tiyan ko, at napatingin ako sa harap. Pilit na ngiti ang ginawa ko ng makita kong sino sino ang nasa harapan. Si mang ollan, mang ben, falcon, maiko at mga diwata na niligtas namin. Nasa peace mountain kami at dito pansamantalang nanirahan ang mga ito bago tutungo sa Nothopia nation. Bakas sa mga mukha ang pagkamangha dahil sa bilis kong kumain. Nahiya ako bigla sa mga ito, hindi kuna napigilan ang sarili ng makita ang mga masasarap na pagkain sa harap.


"Ahm...." napakamot ako sa ulo, ano ba ang sasabihin ko sa mga ito?


"Baka gutom ka pa?" wika ni falcon at nilapit sa akin ang cake. Gusto kong tikman ngunit pinangunahan na ako ng hiya.


"Busog na ako" iniwas ko sa cake ang paningin baka hindi ako makapagpigil at malantakan pa ito.


"Sus busog daw?" turan ni maiko na nakangisi. Tinaasan ko ito ng kilay at sinipa ang paa.


"Aray.." -maiko


"Bakit maiko?" tanong ni mang ollan na nasa tabi lang nito.


"Wala po...." pinanlakihan ako ng mata nito.


"Kamusta kana halcunera?" -mang ollan


Napatingin ako rito at humugot ng hininga "Ramdam ko parin ang panghihina and I feel empty na kahit ubosin ko lahat ng pagkain hindi sapat upang mapunan ang panghihina ko." Nasaid ng husto ang lakas ko ng nakaraang laban, na kahit tatlong araw akong walang malay parang kulang pa upang mabawi ang lahat ng lakas.


Bumuntong hininga ito at lumapit sa tabi ko, hinila nito ang upuhan.


"Kung ganoon kailangan mong magtungo sa forbiden falls upang maibalik agad ang lakas mo!" nangunot ang nuo ko, paano makakatulong ang forbiden falls sa pagbawi ng lakas ko?


"Master diba mahigpit na pinagbabawal na puntahan iyon dahil sinakop ni hallow ang parteng iyon at mahigpit na binabantayan ng black mermaids?" tanong ni maiko.


"Oo nga ollan, hindi pa lubusang nababawi ni halcunera ang lakas kaya hindi pa niya kayang labanan ang mga ito?" -mang ben


"Tama kayo ngunit kaylangan niyang makabawi agad? Kung hindi matatagalan tayo rito? At kailangan na nating umalis rito sa lalong madaling panahon dahil sa oras na ito paparito na ang mga kampon ni hallow?" sabay sabay silang nagbuntong hininga.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon