CHAPTER 73 - The chaos

3K 124 5
                                    


THIRD PERSON


The time Halcunera died everything between mortal world and enchanted world is in chaos. Ang mga lagusang nakasarado ay bumukas na siyang kinatuwa ni hallow.


"Hahahahahahahaha...nagtagumpay ako!!" malakas na wika ni hallow. Isa sa dahilan kung bakit gusto nitong mamatay si halcunera upang mawala na ang nilalang na kumokuntrol sa mga lagusan. Sa pagkawala ng soul warrior lalong lumaganap ang kadiliman sa mundo ng mortal. Kunti nalang masasakop na ang mundo.


Hindi maalis sa mukha ni hallow ang saya tuwing pinagmamasdan nito ang dalawang mundo. Sa enchanted world ang limang nation ay nagkakagulo dahil sa pagsugod ng mga alagad ni hallow. Ang apat na mistress ni hallow ang namumuno sa pagsugod.


Sa Sea nation ay nagaganap na ang hindi matawarang digmaan sa pagitan ng dark sea creation laban sa Siron (tawag sa mga taga sea nation). Sa pagitan ni sirens at ajuha ay nagaganap ang madugong labanan. 


"Hindi kayo magtatagumpay!!" sigaw ni ajuha at pasugod ito kay sirens na nakangisi.


"hahahahahahaha ngayong wala na ang soul warrior hindi niyo na kami mapipigilan sa paghahari namin sa dalawang mundo!" malakas na tawa ni sirens na kinangitngit ni ajuha.


Si zack na gabay ni ajuha ay nasa likuran lang ng napili at tinutulungang makipaglaban sa mga halimaw.


Sa Nothopia nation naman ay kasalukuyang nagtatakbuhan ang mga nothopian upang iligtas ang kanya kanyang sarili.


"Magsitungo kayo sa bundok ibis" wika ni Ivho sa mga nothopian. Luminga linga ito upang hagilapin ang amang hari at inang reyna nito.


"Kawal nakita mo ba si ina?" wika nito sa isang kawal na nagmamadali, yumuko ang kawal rito at sumagot.


"Nasa pribadong silid sila mahal na prinsipe" yumuko muli ito ay umalis. Nagmamadaling tinungo ni prinsipe ivho ang naturang silid.


"Ano na ang gagawin natin? Paano nila matatalo si hallow ngayong wala na si halcunera?" natatarantang wika ni reyna ahna. Napatigil si ivho sa pagkatok ng marinig ang tinuran ng ina. Mapangahas na binuksan ni ivho ang pinto ng silid na kinagulat ng mag asawa.


"Ivho?" kunot noong wika ng hari.


"Patay na si halcunera?" garalgal nitong wika. Malungkot na nagkatinginan ang mag asawa at tumungo rito.


"Kasalukuyang nasa kaguluhan ang dalawang mundo dahil sa pagkawala niya. Nabuksan ang lahat ng lagusan. Ang kinababahala namin ay muling nabuksan ang lagusan ng under world." Napalunok si ivho sa sinabi ng ama.


Malakas na pagsabog ang pumutol sa usapan ng mga ito.


"Ama , ina kailangan niyong mag tungo sa bundok ibis" natarantang wika ni ivho.


Umiling ang hari "ang iyong ina nalang ang pupunta sa bundok ibis, mananatili ako rito at haharapin ko ang digmaang nagaganap" maawturidad na wika ng hari.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon