THIRD PERSON
Ang buong soul nation ay mailalarawan sa isang gubat na maganda at maraming nagtatayugang puno subalit ng dumaan ang isang malakas na bagyo ay parang isang bula na nawala ang ganda nito. Kung pag mamasdan mo ngayon ang soul nation ay parang dinaanan ng malakas na bagyo. Ang dating magandang kastilyo ngayon nawasak ang kalahati nito. Ang mga magagandang tanawin ay bakas ang kasalukuyang labanan. Nagkalat ang mga patay na suhon sa paligid.
Napaluhod si queen white sa lupa ng makita ang sinapit ng soul nation. Pinaghirapang alagaan ng kanyang mga ninono ng mahabang panahon ang soul nation ngunit sa isang iglap lang ay mawawala ito.
"Mahal na reyna" mababang wika ni alcon. Hinawakan nito ang balikat ng reyna upang alalayang tumayo.
"Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang nasira ang pinaghirapang itatag ng aking mga ninono" tumulo ang luha nito.
Napayuko si alcon at napahugot ng hininga dahil kagaya ng reyna white ay ganun din ang nararamdaman nito ngayon.
"Hindi pa huli ang lahat mahal na reyna" halos hindi marinig ng reyna ang sinabi nito dahil sa hina.
"Your right..its not too late, we can fixed what ever the damaged. Pero ang inaaalala ko ay si halcunera. I can feel her.." dahan dahang tumayo ito at tumingala kung saan naroon ang limang napili at si owen.
"Ngayon ko lang napagtanto ang mga nakita ko sa salamin ng oracle. Ang mga pinakita nito ay nagkatotoo. Wala akong nagawang paraan upang pigilan ito" sisi nito sa sarili.
"Don't blame your self your highness, ang mirror of oracle ay sadyang nagkakatotoo ang mga pinapakita nito."
"Pero kahit na, may oras ako upang pigilan ito ngunit wala akong ginawa?" lalong tumulo ang luha nito sa pisngi. Hindi natiis ni alcon na yakapin ang reyna. Lalong napahagulgul ang reyna.
"I do believe na hindi magtatagal ang digmaang ito, be strong my love" mahina na wika ni alcon. Humigpit ang yakap ng reyna sa binata. Napatigil ang dalawa ng kumidlat at kumulimlim ang kalangitan. Sabay na napatingala ang dalawa sa ere. Nagsisimula nanaman ang hidwaan ng charmed at ni owen. Bakas ang pag aalala ng dalawa para kay Halcunera dahil alam ng dalawa na nahihirapan na kalabanin nito ang kasintahan.
Kita ng dalawa na nasa likuran nina elena, fero, ajuha at aria si halcunera. Halatang hindi makagalaw sa kinatatayuhan. Gumawa ng itim na shield si elena dahil tinapunan ni owen ng isang malaking energy ball ang mga ito. Bakas sa mukha ni elena ang malakas na impact ng energy ball ni owen. Sunod na gumawa ng maliliit ng itim na energy ball na balot ng kuryente si owen hindi lang isa kundi sampo.
Humanda ang apat nag sanib pwersa ang mga ito upang gumawa ng matibay na panangga. Hindi maiwanan ng apat si nera dahil alam ng mga ito na wala sa sarili si nera. Naiintindihan ng apat kung gaano kasakit at kahirap tanggapin na ang taong mahal mo ay siyang nakatakdang tatapos sa iyo?
Nagkatinginan ang apat at sabay sabay na kinumpas ang kamay at may lumabas na enerhiya sa dulo ng daliri ng mga ito pinagdugtong dugtong ng mga ito at unti unting may namumuong makapal na harang. Bago pa binitawan ni owen ang sampong energy ball sa gawi ng mga ito ay natapos na ang ginagawang harang ng mga ito.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...