ENCHANTED WORLD
THIRD PERSON
Isang liwanag na bilog ang lumitaw sa harap ng kastilyo, humahangos ang buong sundalo patungo rito. Humanda ang mga ito, inumang ang mga sandata sa lagusan. Pigil hininga ang bawat isa, hindi alam kung anong uring nilalang ang lalabas sa naturang lagusan.
"Ready" sigaw ng pinakamataas na opisyal ng hukbo.
Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid at ng nawala ito ay dalawang nilalang ang nasa harapan ng lahat. Isang babae na akay akay ang sugatang maiko.
"Maiko" wika ng reyna at humahangos na nilapitan ito. Halos hindi na mabuksan ni maiko ang mata dahil sa natamong bugbug ng mga dark shadow.
Pinahiga ng mga ito si maiko sa gamutan ng kaharian. Samantalang ang kasamang babae ni maiko ay nasa tabi lang nito at malungkot na pinagmamasdan ang binata.
"Pwedi ba tayong mag usap?" wika ng reyna sa dalaga. Nakayuko itong tumungo, walang imikan ang dalawa habang binabagtas ang hallway papunta sa white Room. Tahimik parin silang dalawa hanggang makaupo sa truno ng reyna. Sinenyasan nitong umupo ang dalaga na nakayuko parin.
"Alam kung hindi pa ito ang tamang oras upang kausapin ka dahil alam kung nanghihina karin ngunit hindi ko na ito maipagpapabukas" seryusong wika ng reyna. Bakas sa mukha ang halo halong emosyon, gusto nitong malaman lahat ng nangyari.
"Naiintindihan ko po mahal na reyna" mahinang wika ng dalaga.
"Anong nangyari? Paano kayo niligtas ni halcunera? Nasaan siya?" sunod sunod na tanong ng reyna.
"Kinalulungkot kung sabihin mahal na reyna ang tanging alam ko lang tungkol sa mandirigmang tinukoy niyo ay hinarang niya si haring hallow at ang mga dark shadow para makapasok kami sa lagusan at may sugat po siya bago namin siya iwanan" bakas sa buses nito ang takot dahil sa tuno ng buses ng reyna. Napapikit ang reyna at hinawakan ang noo.
"Tungkol naman po sa pagkakadakip ni maiko ay kasalanan ko po ang lahat. Ako po ang dahilan kung bakit nabunyag ang pagkatao ni maiko sa buong dark palace kung hindi lang niya po ako niligtas sa mga kamay ng mga malupit na dark shadow at basilisk sana po nakatakas po siya" lumambot ang ekpresyon ng reyna ng marinig ang hikbi ng dalaga. Alam ng reyna na umiiyak ito.
"Kawal" sigaw ng reyna na kinaangat ng mukha ng babaeng luhaan. Pumasok ang isang kawal at yumuko. Tumingin ang reyna sa dalaga at tumayo.
Napabuntong hininga ito "magpahinga kana, ipapatawag nalang kita pag magaling na si maiko..kawal dalhin siya sa bakanteng silid ng mga alipin."
"Salamat po mahal na reyna" napayukong wika ng dalaga.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ng reyna rito.
"Fherry po mahal na reyna" tumungo ang reyna at sinenyasan na ang kawal at inakay ang babae palabas. Napapikit ang reyna at nag isip. Si maiko lang ang makakapagsabi ng totoong nangyari, oo gusto na nitong ipakulong ang babae kanina pero nakita ng reyna sa mata nito ang lubos na pagmamahal at pagsisisi.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...