CHAPTER 21

5K 186 2
                                    



              "Maiko?!" napalingon siya sa tumawag sa pangalan. Si falcon ang papalapit sa kaniya. Nangunot ang nuo nito dahil wala siyang alam na dahilan upang siya ay tawagin. 


"Anong problema mo?!" matigas niyang wika. Hindi niya maiwasang mainis rito kahit pangalan palang niya ang binabangit. Hindi maikakailang may alitan sila sa isa't isa, magmula ng inagaw nito ang babaeng iniibig niya noon. 


It was one year past noong mangyari iyon. Ayaw na niyang balikan kong anong nangyari dahil masakit parin. Lalo na nong makita niya ito muli. Kinalimutan niya ang mga nangyari ngunit bumalik ang sakit. May mga katanungan sa isipan niya kong bakit ito'y nagiisa ngayon? Napahugot siya ng buntong hininga, wala na siyang pakialam.


"Ikaw? Anong problema mo?" lalong nangunot ang nuo nito. Naghahanap ba ito ng away?


"Where is halcunera?" turan nito bago siya makasagot. Isa pa sa kinaiinisan niya halatang may pagtingin ito kay halcunera.


Naningkit ang mga mata niya "Bakit mo hinahanap?!" angil nito.


"Relax!" he rolled his eyes.


"Pinapahanap na siya ng hari't reyna? Nagsisimula na ang kasiyahan?" nangunot ang nuo niya. Kanina bago siya umalis sa bahay na pansamantalang tinuloyan nila ay sinigurado niyang wala si halcunera doon? Ang alam nga niya ay nauna na ito sa palasyo, kaya nga may kunting tampo siya rito dahil ang usapan nila sabay sila.


"Akala ko ba nandito na siya?" kumunot ng nuo si falcon.


"Hahanapin ko ba sa iyo kong nandito na siya?" nagngitngit ang mga ngipit niya sa papilusupong sagot nito. Ibis na sagutin ito tumalikod siya. Babalikan nalang niya sa bahay baka nandun ito.


"Oh mga ginuo, Bakit kayo bumalik?" wika ng matandang katiwala sa bahay. Napalingon ito sa likuran. Nakasunod pala si falcon at hindi niya namalayan dahil iniisip niya kong saan nagsusuot si halcunera.


"Ah may nalimutan lang po kami" tinignan muna niya ng masama si falcon bago binalingan ang matanda. Tumungo lang ito at pumasok na kami. Dumeretso siya sa kwarto ni halcunera. Kumatok siya ng ilang beses ngunit walang nagbubukas.


"Halcunera?!" sabay katok nito. Ngunit kahit isang kaluskos ay wala siyang marinig.


Dali dali niyang binuksan ang pinto.


"Bakit mo binuksan?" wika ni falcon.


"Bakit hindi?" 


"Baliw kaba? silid ng babae ito? Hindi binunuksan ang silid ng babae pag hindi pinagbubuksan!" hindi nalang niya pinansin ito at hinalughog ang buong silid. Ni isang bakas ni halcunera wala ito.


"Wala siya rito!?" kinabahan siya bigla.


THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon