**THIRD PERSON**
Everything is in a mess. Ang magandang enchanted world. Ang nagtataasang building at magagandang pasyalan sa mortal world. Hindi na makilala dahil sa naganap na digmaan. Ang mga dark shadow ay biglang nawala ng matalo si hallow buhat sa labanan nila ng charmed. Ang mga halimaw naman na galing sa under world ay patuloy na umaatake. Hanggat bukas pa ang mga lagusan ay patuloy na maglalabasan ang mga ito.
Himig ng naghihinagpis ang mababakas sa buong paligid. Mga bangkay ng tao at enkantado ay nagkalat sa buong paligid. Makapal na usok na nagmumula sa mga gusaling sumabog ang bumabalot sa kalangitan. Malapit ng magdilim ngunit bakas ang unti unting nawawalang itim na aura na bumabalot sa buong mundo. Ngunit hindi sapat na mawala si hallow upang makamit ang katagumpayan. Marami pang mga halimaw na nagkalat.
"Mahal na reyna.." nag aalalang lumapit si alcon sa reyna ng soul nation. Bakas sa reyna ang mga sugat na natamo mula sa digmaan. Ang puting baluti nito ay puno na ng itim at pulang dugo. Punit punit ang baluti nito.
"Al-con.." tinangka nitong tumayo mula sa pagkakalugmok ngunit wala na itong lakas pa. Sinalo ito ni alcon at pinaupo sa punong nabuwal.
Malalalim na hininga at pumikit ang reyna.
"Anong balita?"
"Nagtagumpay ang mga charmed na talunin si hallow ngunit marami paring natitirang halimaw galing sa under world. Hanggat bukas ito patuloy na magsisilabasan ang mababangis na halimaw." Mahabang wika ni alcon.
"Kailangan puntahan ko ang lagusan" pilit itong tumayo.
"Ngunit mahal na reyna, malala ang mga sugat mo?" inalalayan ni alcon si reyna white upang tumayo. Bakas parin ang pag alala sa mukha nito.
"Hanggat hindi nauubos ang mga halimaw hindi tayo titigil. Ang mga charmed anong balita? Kamusta na sila?" biglang nag alala ang reyna para sa limang napili. Hindi nito maramdaman ang presensya ng mga ito.
"Nagtungo si haring luki sa kinaroroonan nila mahal na reyna" hindi parin mawala sa mukha ng reyna ang pag alala. Pilit nitong tinungo ang kinaroroonan ng charmed.
Pinagmasdan ng reyna ang buong paligid. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib dahil sa mga bangkay na nakakalat sa paligid. Hindi nito maatim na pagmasdan ang mga ito. Kahit ramdam nito ang sakit ng mga sugat nito hindi nya inintindi at binilisan ang paglalakad.
Napatigil ito at umuwang ang bibig nya ng mapagmasdan ang malaking butas sa harap nila. Nagmamadaling tinungo nito ito.
"Haring luki...." tawag nito sa hari ng winka nation na buhat buhat si elena.
"Oh my...anong nangyari?" binundol ng kaba ito ng makita sa di kalayuan si fero nakahilata, maging si ajuha at aria. Magkakatabi ito. Nagmamadaling lumapit ito.
Napakagat ito ng labi at tumulo ang luhang kanina pa nito pinipigilan. Tinakpan nito ang bibig upang hindi lumabas ang haguhol nito. Nilapag ni haring luki si elena sa tabi ni fero. Halos hindi na makilala ang apat dahil sa mga sugat na natamo. Puno ng pula at itim na dugo ang buong katawan ng mga ito. Nagsidatingan naman ang mga mang gagamot upang gamutin ang apat.
Napatigil si reyna white sa pag iyak ng maalala nito si halcunera.
Bumaling ito sa hari "si halcunera...nasan sya?" lalong kinabahan ito. Tumayo ito upang hanapin sa paligid si halcunera.
"Hindi ko sya mahanap?" nag alalang turan ng hari.
Nanlumo ang reyna sa narinig. Ipinilig nito ang ulo "hindi ito maaari...hanapin si halcunera" utos nito sa mga kawal na kararating lang.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
خيال (فانتازيا)They are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...