**HALCUNERA**
Hiyawan.....tunog ng sandatang nagbabangayan...mga pagsabog sa kaliwat kanan. Iyan ang tanging naririnig ko ngayon sa bundok ibis. Habol ko ang aking hininga at binalingan ang dark shadow. Hindi na mabilang ang napaslang ko na dark shadow..mga basilisk at mga halimaw ngunit parang hindi pa ako nakakalahati.
It's because of hallow. Hanggat hindi namamatay si hallow hindi titigil ang pagdami ng dark shadow. Ang mga tao na nahihigupan ng kaluluwa ay nagiging dark shadow ito. -wika ni halcu. Napatiim baga ako sa kaalamang iyon.
Nagngitngit ako ng makita ang grupo ng mga basilisk na susugod sa mga umiiyak na mag ina.
Mabilis akong kumilos at humarang ako sa gitna nila. Walang mintis kong pinagpapaslang ang mga ito. Lumingon ako sa nanginginig na ginang.
"Salamat hija" tumungo ako at sinalubong ko ang mga paparating na mga halimaw.
Kalaiwa...thinggggg...kanan....thinggggg. Paulit ulit na ganito ang ginagawa ko dahil halos lahat ng mga halimaw ay sa akin nagtungo. Nahagilap ko sa gilid ng aking mata si fero na nahulog mula sa taas. Malakas na pagsabog ang sumunod na naganap.
Napatigil ako sa pagkakatayo ng maramdaman ko ang malakas na enerhiya. Hindi ako pweding magkamali. Pumikit ako at ng pagmulat ko ay nasa himpapawid na ako. Tiim baga akong nakatitig sa nilalang na preteng nakangisi sa akin.
"Well..well...well nice to see you again" naningkit ang aking mata sa tinuran nito. Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa white swords. Ramdam ko ang namumuong enerhiyang nagbabangayan sa pagitan namin. Humihip ng hangin at tinatangay nito ang aking buhok.
"Hindi ko akalaing mabubuhay kang muli?!" nakangising wika ni hallow. Nagtagis ang aking mga ngipin. Kanina ko pa pinipigilan ang aking nararamdamang galit rito. He done so many cruelties. Ang madugong digmaan na ito. Hindi ko alam kung bakit may ganitong uri ng nilalang. Sabagay being a human we inhabit a bad and a good character. Its our choice to be a evil or a good.
"I'm back because of you" sarkastiko kung wika. Naningkit ito.
"Siguraduhin mo lang na ang iyong pagbabalik ay matatalo mo ako. Kung hindi sinisigurado ko na ako ang magbabalik sa iyo sa hukay." Biglang tumaas ang level ng enerhiyang bumabalot rito. Bakas ko sa kanyang pulang mata ang pagnanais na mapatay akong muli.
"Huwag kang mag-alala sinsigurado kong hindi na mangyayari iyon. You use my love ones para mapatay mo ako dati ngunit ngayon hindi ko hahayaang mangyayari iyon uli. I'm done with your evil plan. Isinugo ako at ng mga kasama ko upang matapos na ang iyong kasamaan" naramdaman ko ang nag uumapaw na enerhiya sa aking katawan.
Right now isa lang ang nais ko ang matapos na itong digmaan. I'm tried. Gusto ko ng bumalik sa dati kong buhay. Kung dati nagrereklamo ako dahil sa simpleng bagay. Ngayon pinapangako ko na hinding hindi na ako magrereklamo maibalik lang sa dati ang lahat.
Nera!!!!! -sigaw ni halcu.
Mabilis kung sinalag ang energy ball na kulay itim na patungo sa akin. Mahina akong napamura dahil hindi ko namalayan ang pagtira ni hallow sa akin. Lintik bakit kasi nawala ako sa sarili.
"Magaling!!" wika nito at pumalakpak pa.
Naningkit ang aking mata. Mabilis akong nawala at sa paglitaw ko ay nasa likod na ako nito. Malakas na tinig ng sandata at napaurong kaming dalawa dahil sa lakas ng enerhiyang bumalot sa mga sandata namin. Lalong lumakas ang hangain at dumilim. Hindi ko namalayang may hawak na itong ispadang itim na balot sa enerhiyang itim.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...