CHAPTER 35- Power within five

4K 177 5
                                    


             Napapikit at hinabol ko ang aking hininga dahil sa kakulangan ng hangin sa aking baga. Kanina pa ako sa aking ginagawang pag atake kay tandang kenkai.


"Thats it? Iyan lang ba ang kaya mo?" nang gigil ako sa narinig buhat rito. Humigpit ang hawak ko sa white swords at shield. Noong una hindi ako makapaniwala na ito ang aking magiging kalaban dahil wala sa itsura nito na marunong gumamit ng sandata. Ang inaasahan kong gagawin nito ay maglecture tungkol sa kapangyarihan ko. Tama si maiko unang araw palang ng insayo namin ay ito na ang tumutok sa akin. Sina fero, elena, aria at ajuha ay may kanya kanyang kapareha at nagtuturo sa kanila. Sa bahay nalang kami nagkikita kita dahil may sarili kaming lugar kong saan kami mag training. 


Kasalukuyang nasa ibang dimensiyon kami ngayon. Isang malawak na disyerto at ramdam ko ang init. Tumatagaktak na nga ang pawis sa buong katawan ko. Ngunit si tandang kenkai ay parang relax lang siya habang pinapanood ako. Hindi ko alam kong ilang oras kaming naghahabolan. Subrang bilis nito at hindi ko siya mahuli.


"Come'on ilabas mo ang tunay mong lakas!" bored na wika nito. Nagngitngit ako lalo, halos maubos na nga ang lakas ko para mahuli lang siya tapos sasabihin nitong ilabas ko ang lakas ko eh ubos na kaya...


Napamulagat ako ng biglang nawala ito sa harap ko at nagpakita sa mismong harap. Hindi ko alam kong ano ang sumunod na nangyari dahil naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumusok sa aking sikmura. Napasigaw ako sa naramdamang sakit.


"Hindi nga ako nagkakamali mahina ka?!" napamulat ang aking mata at tinignan ko ito na nanguuyam ang tingin. Itinungkod ko ang ispada sa buhangin upang dito kumuha ng suporta. Pilit akong tumayo ng matuwid.


nakakairita siya?! -halcu

sinabi mo pa! -nera


"Ano titigan mo nalang ba ako?!" -tandang kenkai


Naningkit ang aking mata kasabay ang paghigpit ng hawak sa white swords sa hindi maipaliwanag na dahilan nagiba ang hawak kong sandata. Hawak ko ngayon ang twin blade ang pinakamalakas kong sandata ngayon. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa sandata upang lumabas lalo ang pulang aura. Nakita kong nagulat si tanda dahil nag iba ang itsura ko. Hindi siguro nito inaasahang pweding mag iba ang aura ko. Hindi ako nagpatumpik tupik pa at sinugod ito. Nagulat ito sa una ngunit hindi nito pinahalata iyon. She try her best na masalo lahat ng pagsugod ko rito. Sa abot ng makakaya ko mas binilisan ko pa ang galaw.


Sa tuwing maghihiwalay kami nag iiba ang hawak kong sandata, ngayon ang double blade naman ang hawak ko. Hindi ko alam kong bakit ko ginagawa ito ngunit ramdam ko ang mga may ari na iyon ang nais nila. We work as a team kaya nahirapan si tanda sa ginagawa ko dahil bawat sandata ko ay iba iba ang kapangyarihan. 


"Hindi ko akalaing may ibubuga kapala?!" napasimangot ako sa sinabi nito. Masyado nitong hinusgahan ang kakayahan ko pati narin ang mga katangihan ng sandata ko. Hindi ko inaalis sa kaniya ang paningin ko dahil naramdaman ko ang biglang paglakas ng kapangyarihan niya.


Ngumiti ito "well siguro kailangan ko narin ipakita sa iyo kong sino talaga ako!" pagkasabi nito biglang may lumabas na itim na aura sa katawan niya. Ang hawak nitong sandata naging malaki ito kumpara sa dati. Napalunok ako dahil ramdam ko ang lakas niya. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Nong nakaharap ko si elena hindi ganito ang naramdaman ko. 

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon