Nera...nera...-halcu
Sunod sunod ang malalim na hininga ko habang nanlilisik ang tingin ko sa babaeng nakapula at sa mga halimaw na kasama nito. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Lalong lumalakas ang pwersang gustong kumawala sa akin.
Nera control your emotion! -bakas sa mukha ni halcu ang pag aalala.
Muling huminga ako ng malalim dahil may nakabara sa aking dibdib. Habang tumatagal ay lalong nadadagdagan ang galit na nararamdaman.
"Mukhang hindi mo kayang kuntrolin ang kapangyarihan mo Halcunera?" ngising wika ni shalon. Lalong naningkit ang tingin ko rito, lalong nagwala ang galit sa aking dibdib. Nais kung durugin ito ng pinung pino ngunit hindi ko magawa dahil may pumipigil sa akin.
Nera labanan mo ang kapangyarihan ng talim ng kadiliman. -halcu
Huwag mong hayahang manguna ang galit mo -matigas na wika rin ni echo.
Diba eto ang gusto mo magalit ako? -ngitngit ko.
Oo ngunit kailangan mo paring kuntrolin ito. Huwag kang susunod sa nais ng ispada? Kailangan ikaw parin ang manguna sa galit mo? -echo
Napahigpit ang hawak ko sa talim ng kadiliman na siyang dahilan upang lalong lumabas ang aura. Napaurong ang mga kasama dahil nasusunog ang balat ng mga ito kung malapit sila sa akin. Kumulimlim ang paligid at sa kalangitan gumuhit ang kidlat at kulog dahil sa lakas na pwersang lumalabas sa akin, naapektuhan ang kalikasan sa ginagawa ko.
Tumingin ako sa babaeng kaharap na bakas ang kasiyahan sa nakikita. Napahawak ako ng maiigi sa sandata upang dito ibuhos ang galit na nararamdaman. Binalot ng itim at puting aura ang hawak na sandata. Lumakas ang hangin sa paligid at kumulimlim. Kita sa pagitan namin ang malakas na aura na hindi nanaisin sinuman na lumapit dahil sa kapangyarihang masasagap.
"Hindi ko inaasahang ganito ka kalakas" wika ni shalon habang nakangiti. Ang sarap burahin ang ngiting nakapaskil sa mukha nito. Muling naramdaman ko ang pwersang gustong kumawala sa akin.
Napapikit ako, tama si halcu at echo kailangan kung kuntrolin ang galit ko dahil ito ang magiging dahilan upang makuntrol ako ng talim ng kadiliman. Kailangan manaig parin ang puti sa itim na bumabalot sa akin. Hindi pweding ang itim ang pumaimbabaw dahil pag nagkataon mawawala ako sa sarili.
"Halcunera!" rinig kung wika ni mang Ben.
"Bakit mahal kung ama?" sarkastikong wika ni shalon. Nagngitngit ako, hindi ko alam kung bakit tuwing magsasalita ito ay nakakaramdam ako ng galit.
"Itigil mo na ito shalon! Kahit ano pang gawin mo hindi ka magtatagumapay kung ano mang plano mo?" galit na wika ni mang Ben. Napatingin ako rito at kita ko ang pagkadisgusto sa ideyang anak nito ang isa sa mga babae ni hallow.
"Hahahahahahahaha!!!" malakas nitong tawa.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasiThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...