Author Note's: Gusto ko lang magpasalamat kay Chubbycute_rae sa dami mong votes :D :D ng dahil sa iyo na inspire ako :D this chapter is dedicated to you...sana magustuhan mo :D :D
_________________________________________________________________________________
Sa nangyari sa pagitan namin ni tandang kenkai nasa harap ako ngayon ng isang madilim na paligid. Napahawak ako sa kwintas ng biglang umilaw ito at napahakbang dahil gusto ng kwintas na tungoin namin ang direksyonng nasa harap. Hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin nito. May nararamdaman akong malakas na pwersa at hindi lang isa kundi tatlo ito. Walang mahagilap ang aking mata kundi purong kadiliman lang. Napahinto ako at nagpalinga linga nagbabakasakaling may maaninag na isang maliit na ilaw ngunit wala talaga.
"Sang lupalop ba ako naroon?" wika ko. Muli umilaw ang kwintas at nagpatuloy akong maglakad.
Napabilis ako ng takbo ng may naaninag akong isang maliit na ilaw. Napahawak ako sa tuhod ko habang habol ko ang aking hininga. Bakit naman kasi tumakbo ako ng ganun kabilis? Isang pikit at malalim na hininga bako ko tinignan kong ano ang nasa harap ko. Nanlaki ang aking mata kong ano ang nasa harap ko ngayon. Isang sandata na napapaligiran ng liwanag. Napalunok ako ng matitigan ito. Hindi ko maipaliwanag kong anong uring sandata ito dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. Kusa akong lumapit rito na parang may nag aanyayang hawakan ko ito. Unti unti kong hinawakan ito at nagulat nalang ako ng biglang lumiwanag ng malakas. Napapikit ako dahil nasisilaw ako ng maramdaman kong humupa na ang liwanag minulat ko ang aking mata at ganun nalang ang pagkabigla ko.
Nanlaki ang aking mata ng mapagmasdan ko ang kabuohan ng nilalang. Isang babae na puti ang buhok at may puting pakpak, ang sexy niyang tignan sa suot nitong halos kita na ang hinaharap at ang kanyang boots, ang disenyo ay pangdigma na hanggang tuhod. Ang umagaw talaga ng aking pansin ay ang hawak nito. Napalunok ako ng sunod sunod. ( see the pic)
Lalong naumid ang aking dila dahil ngumiti ito sa akin.
"Kinagagalak kong makilala ka master!" wika nito at yumuko.
"Ah-eh..ah!" para akong tanga sa lumalabas na salita sa aking bibig.
"Ako ang iyong pang anim na sandata. Ako si Ehyos ang talim ng liwanag!" mukhang nakuha nito ang ibig kong sabihin dahil siguro bakas sa aking mukha ang pagtataka.
"Paanong?!" parang gusto kong hilahin ang aking dila dahil iyon lang ang gustong lumabas sa aking bibig.
Ngumiti ito "matagal na kaming nahihimlay sa kaibuturan ng iyong katawan, nahirapan kang ilabas kami dahil tatlo kaming dapat mong pagsabaying ilabas pero dahil sa nagamit mo ang limang sandata at nakayamo ang lakas nito nailabas mo kaming magkakapatid!"
"Magkakapatid?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya?
"Ang Huling tatlo mong sandata ay ang may ari ay mga magkakapatid..iyon ang ibig kong sabihin mahal naming master!" yumukod pa ito.
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...