CHAPTER 25

5.2K 189 3
                                    


          "Where am I?" napakamot ako sa ulo. Ang huling kong pagkakaalam ay nawalan ako ng malay. Nanaman?!


"Mahina ka kasi!" napalingon ako sa likod ko. Nakita ko hephaestus na prenteng nakatayo at nakatungkod sa lupa ang hawak na twin swords.


"Asan ako?" hindi ko pinansin ang sinabi nito. Ano bang problema ng isang ito at ang tuno ng buses nito ay hindi magandang pakinggan.


"In your mind!" he rolled his eyes.


"Nanaman?"


"halcu.....halcu?" sigaw ko.


"Hindi siya magpapakita sa iyo?" bumaling ako sa kaniya.


"At bakit?"


"Dahil ako ang tumawag sa iyo?" 


"Anong ibig mong sabihin?" kunot nuo ko. 


Napailing nalang ito "paano ba ako napunta sa mahinang nilalang na ito?"


Naningkit ang mata ko, "hindi ako mahina!"


"Yah..yah.." sarkastikong wika nito. Naglaho ang hawak nitong sandata at ang maskara nito. Napamulagat ako ng mapagmasdan ang mukha nito. He is really handsome. Hindi ba uso sa mga ito ang pangit. Si halcu mala anghel ang mukha, ito well iba ang pag kagwapo niya. Matigas, at matapang.


"huwag mo akong titigan ng ganyan?" sumimangot ito at humalukipkip ang braso. Sayang ang kagwapuhan nito nasira dahil sa ugaling masungit.


"Hindi ko alam na ang arte ng guardians ng mga swords" bulong ko at sumimangot ako.


"I heard you!" I just rolled my eyes. Nilibot ng aking paningin ang paligid. Puro puti ang nakikita ko, the last time I've been here is puro itim ang paligid. Is this a sign na naover come ko ang kadiliman ng aking pagkatao?


"Actually no." napalingon ako kay hept...nakakapagod bigkasin ang pangalan nito so I decided na paiksihin ito.


"Tigilan mo nga sa kakabasa sa mga nasa isipan ko?" lalo akong napasimangot.


"Let me remind you nasa katawan mo ako kaya lahat ng nasa isipan mo ay nalalaman ko!" napamulagat ako ibig sabihin kong mag iisip ako ng kalukuhan alam nito? Oh pati sina halcu at iba pa?!


"Ako lang ang may kakayahang marinig at makita ang lahat ng nasa isipan mo!" parang nabunutan ako ng tinik at least ito lang ang nakakarinig at nakakakita sa mga nasa isipan ko.


"Wala pala akong maililihim sa inyo?"


"Meron naman..kung kaya mong iblock ang nasa isipan mo? And that is the one reason why are you here. Ayaw ko mang gawin ito ngunit kailangan dahil ayaw kong marinig at makita ang mga walang kwentang nasa isipan mo!" napataas ang kilay ko rito. As if naman na gusto ko ang idea na alam nito ang mga iniisip ko.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon