CHAPTER 71 - The power of Love

3.1K 173 15
                                    


THIRD PERSON


Napangisi si hallow sa kaniyang nakikita. Prenteng nakaupo ito sa malaking itim na truno nito sa dark palace. Nasa harapan nito ang isang malaking itim na salamin. Parang isang 3D movie ang palabas sa naturang salamin. Kita dito ang sugatang charmed at ang pinakatutuwa ni hallow ay ang labanan ng dalawang nagmamahalan. 


This is the most interesting scene I'v ever seen. Wika nito sa sarili. Ito ang isa sa pinakakaabangan nitong mangyayari ang pagkamatay ng natitirang soul warrior sa soul nation. Ang siyang may kuntrol sa mga lagusan. Ang isa pa sa kinagagalak nito ay hindi na magpapagod si hallow na patayin si halcunera dahil may isang owen na siyang gagawa para rito. Tama lang na nagtalaga siya ng isang tinakda para harapin ang mga tinakda ni King Hitshobar Naklin ang siyang may likha ng lahat. Mula sa umpisa pinakita na ng itim na mirror of oracle ang mangyayari kaya napaghandahan nito ang mangyayari. Ngunit hindi nito inaasahan na ang iniibig ng soul warrior ang siyang tinakda nito.


"Tignan mo nga ng pagkakataon. Everythings is in my side" lumawak ang pagkakangiti nito.


"Mahal kong hari hindi pa ba tayo susugod sa ibang nation?" tanong ni siren na nasa kaliwang bahagi ni hallow.


"That's a good idea" napapitik sa ere ang kamay ni hallow parang may isang ilaw na umilaw sa ulo nito sa suhesyon ni siren.


"Ito na ang pagkakataon upang samantalain ang kahinaan ng charmed" lalung lumawak ang pagkakangiti ni hallow na siyang kinangiti ng apat nitong mistress.


"Ihanda niyo ang mga dark shadow, basilisk at ng mga halimaw na sakop ng kadiliman na sasakupin na natin ang limang nation at sa pagsapit ng pagkabasag ng mga lagusan sa kabilang mundo. Oras na upang pag isahin ang mga dalawang mundo at paghaharihan ko ito" napatayo ito at lumapit sa mirror of oracle. Ikinumpas nito ang kamay at parang tv na nag zoom in sa mukha ni halcunera na kita ang sakit at kalungkutan.


"Hindi magtatagal magtatagumpay na ako sa nais ko!" wika nito at tumawa ng nakakakilabot. Lumabas ang apat na mistress sa bulwagan at inihanda ang mga alagad ni hallow upang sa magaganap na pangalawang digmaan. Kita sa mga mukha ng apat na mistress ni hallow ang saya dahil ramdam ng mga ito ang nalalapit na katuparan ng pangarap ng mga ito.


Samantala sa limang nation naman ay abala sa paghahanda sa maaaring magaganap. Ang mga hari't reyna ng apat na nation ay nagbigay tulong sa soul nation dahil sa nagaganap na labanan rito. Ang mga suhon na inusente ay lumikas sa tagong lugar ng soul nation. 


"Mahal na reyna kailangan niyong sumunod sa nga suhon sa ligtas na lugar" wika ni alcon sa reyna na ayaw paawat sa pagtulong sa mga sugatang sundalo.


Umiling ang reyna "hindi...hindi ako aalis rito hanggang hindi natatapos ang nagaganap dito" iling nito muli.


"Pero mahal na reyna mapanganib rito?" puno ang pag aalala sa buses ni alcon. Nasa pangangalaga kasi nito ang buhay ng reyna. At isa pa ito ay ispesyal rito kaya ganun nalang ang pag aalala.


"Huwag kang mag alala alcon I can take care of my self. Mas kailangan ako ng mga suhon na sugatan" napabuntong hininga nalang si alcon, alam nitong hindi na nito mababago ang disisyon ng reyna. Ang pangunahing tungkulin ng reyna ay siguraduhing nasa ligtas ang mga nasasakupan at panatiliin ang katahimikan sa buong nation. Handa itong itaya ang buhay para sa mga mamamayan ng soul nation.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon