THIRD PERSON
DARK PALACE
Nakangisi si hallow habang pinagmamasdan nito ang unti unting pagkamatay ni shalon. Lingid sa kaalaman ni shalon ay ang isa sa plano nito ay mawalan ito ng buhay bilang panimula ng lahat.
"Huwag kang mag alala shalon hindi masasayang ang buhay mo hahahahahahaha" tawa nito. Lumakas ang kulog at kidlat kasabay nito ay may itim na usok ang pumasok sa kaharihan nito. Binuka ni hallow ang bunganga upang kainin ang kaluluwa ni shalon. Ramdam nito ang malakas na enerhiyang dumaloy sa katawan nito. Napangisi ito.
Umpisa palang ito sa plano nito sa mundo ng mortal. Alam nitong marami na rin ang nakalabas na halimaw sa portal. Hindi magtatagal matutupad na ang pangarap nitong maghari sa mundo ng mortal at sa enchanted world. Isang ngisi ng tagumpay ang namutawi sa labi nito.
Samantala sa mortal world sa silid kung saan naroon ang charmed at ng mga gabay ng mga ito. Pagkatapos ang labanang iyon at pagkawala ng malay ni nera ay agad na tinawag ni elena ang mga gabay nila.
"Is she okey?" tanong ni fero sa mga kasama. Mga buntong hininga ang sinagot sa tanong nito. Nagamot ni ajuha ang mga sugat ni nera pero hindi pa tuluyang naghilom ito at ngayon hinihintay nalang na magkaroon ng malay.
"So wala na si shalon?" tanong ni filex sa mga ito. Tungo lang ang sagot din ng mga ito. Napapailing nalang si fero sa mga pagmumukha ng bawat isa. Imbis na matuwa sa balitang nabawasan na ng kaaway nila ay binabalot pa sila ng lungkot. Alam kasi ng mga ito na si shalon ang tanging nag iisang anak ni mang ben. Alam din nila ang kwento ng buhay ni shalon. Ngunit sadyang may mga bagay talagang hindi na mababago. Kapalaran ni shalon na mamatay na masama. Mas pinili nito ang daan ng masama. Ito rin ang naglagay sa sarili sa kasamaan at sa kamatayan.
"San ka pupunta?" tanong ni elena kay maiko ng biglang tumayo at tinungo ang pinto.
"Kailangan na nating magpakita sa mama ni lhyian paniguradong kanina pa nila tayo hinahanap" pagkawika nito ay lumabas na.
Nagkibit balikat nalang ang iba.
"This under world portal..." napatingin silang lahat kay elena at bumaling sa mga gabay. Ang tatlong charmed naman at bumaling sa mga ito.
"Kailangan maisarado ito sa lalong madaling panahon. Hinala namin hindi lang ang death monsters ang nakalabas na rito" wika ni haides.
"Nasa panganib ang mundong ito" dugtong ni haides sa sinabi.
"Ano ang gagawin natin ngayon?" tanong ni aria.
"Wala tayong ibang pagpipilian kundi manatili rito upang ipunin lahat ng mga halimaw para ibalik kung saan sila nararapat?" wika ni filex.
Napailing si elena "hindi tayo pweding manatili rito dahil nasa panganib din ang enchanted world, at nararamdaman kung lalong lumalakas si hallow at may kutob akong malapit na niyang isakatuparan ang matagal na nitong plano" tumayo sa pagkakaupo si elena at nagpalakad lakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/29471326-288-k360690.jpg)
BINABASA MO ANG
THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITING
FantasyThey are destined to protect the enchanted world beyond of mortal world. They are called charmed the great protector of five nation. Soul nation- ang nagdudugtong sa mundo ng mortal at ng mga engkanto. Winka nation- ang kaharihan ng mga witch. Noth...