Zen's POV
Nagdaan at lumipas ang mga araw na halos lutang ako lagi. Kahit na maraming gawain at abala sa trabaho, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng sobra. Ang mga gabi ko ay puno ng pag-aalala at pagkabahala. Kahit na anong gawin ko para maka-move on, hindi ko magawa. Nagtataka ako kung paano ba maging normal muli.
Para na kasi akong mababaliw kakaisip sa mga nangyari. Parang ang lahat ng mga pangyayari ay nagsasalu-salo sa isip ko, at hindi ko alam kung paano ko mahaharap ang bawat isa. Sumasakit na din ang ulo ko mula sa pag-iisip. Ano ba kasi ang sumagi sa isip ni Carlo? Kapag talaga ako nagkasaltik, kakaltukan ko talaga 'yun sa hypothalamus niya.
Pagkatapos kasi ng pangyayari na ‘yun, umuwi rin agad ako. Hindi ko na rin sinamahan sina Angel. Kahit gustong-gusto ko pang manatili, hindi ko na lang ginawa. Nagpanggap na lang ako na masama ang pakiramdam ko para makaiwas sa lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikisalamuha sa kanila habang ang utak ko ay nasa kaguluhan.
Gusto ko talagang magalit at isisi lahat kay Carlo, kaso hindi ko talaga kaya. Mahihirapan lang ako kung gagawin ko yun. The truth is, I don't hate him. I just hate what he did. Kung maaari lang sanang burahin ang mga sandaling iyon mula sa memorya ko, gagawin ko. Ngunit hindi iyon posible.
Muntikan na niyang halikan ako tapos inamin pa niya sa akin ang nararamdaman niya. Ano'ng reaksyon ba ang dapat kong ipakita sa kaniya? Natural lang na maghisterikal at sigawan ko siya dahil sa pangyayaring iyon. Hindi ko na nga din matandaan kung may nasabi ba akong masama o namura ko siya dahil doon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong klaseng galit ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay naiinis ako at gusto ko munang lumayo sa kaniya.
Kung sa ibang tao ay magugustuhan ang ginawa niya, pwes sa akin ay hindi. Kahit na magustuhan man ito ng iba, hindi ko magawa. Kilala na niya ang pag-uugali ko. Alam niya na ayaw ko sa mga ganun. At mas lalo na wala siyang karapatan na gawin ‘yun kahit magkaibigan man kami o hindi. Kung minsan, akala ko na kilala ko siya ng mabuti, ngunit ngayon parang nagbago ang lahat.
Hindi kasi sumagi sa isip ko na magagawa niya ‘yun sa akin. Malaki ang pagtitiwala ko sa kaniya. Halos kilala ko na rin si Carlo at iba siya sa mga taong naiisip ko. Kahit na hindi niya sabihin ang mga bagay na iyon, nararamdaman ko na mismo sa kaniya maging sa ipinapakita niya. Ngayon, parang nasira ang lahat ng iyon sa isang iglap.
Pero bakit? Bakit kailangang gawin niya ‘yun? Bakit kailangang umabot doon? Ang tanong na iyon ay paulit-ulit sa utak ko, at wala akong sagot.
Kung gusto niya ako, edi, irespeto niya ang pagkatao ko. Kasi kung gano'n lang naman ang ipapakita niya, baka isipin ko talaga na baka iba nga talaga ang habol niya sa akin. Kung ganito ang paraan niya ng pagpapakita ng interes, baka hindi ko na lang dapat isipin ang lahat. Kailangan kong harapin ang reyalidad na baka hindi kami magkakatulungan kung magpapatuloy ang ganitong pag-uugali.
Nakakabadtrip na! Ano ba talaga ang trip niya sa buhay niya? Nasisiraan na ba siya ng bait? Kahit bali-baliktarin man ang mundo, bakla ako. Hindi kami puwede. Masyadong kumplikado sa pagitan naming dalawa. Alam ko rin na magiging tutol kaagad ang magulang namin kapag nangyari 'yun. At saka, napakaimposible na tanggapin ako ng pamilya nila. Matapos masangkot ang pangalan ko sa kaguluhan, ano pa kaya kung malaman na gusto ako ng anak nila? Paniguradong ako na naman ang sisisihin.
Hindi ko naman nilalahat kasi may mga ganitong katulad namin ang nagkakatuluyan talaga. Pero ako, iba ako. Hindi ko hilig ang ganito. Wala sa isip ko ang pumasok sa ganitong mga bagay. Alam ni Carlo ang mga bagay na ‘yun kaya nagtataka ako kung bakit. Ayoko ring mabigo ang pamilya ko. Dagdag pa room, wala akong gusto para sa kaniya. Ni katiting man lang ay wala akong nararamdaman.
Ano ba ang nagustuhan niya sa akin? Walang mga bagay sa akin na dapat niyang magustuhan. Una sa lahat, hindi ako babae. Bakla ako, ayon ang katotohanan na dapat niyang tanggapin. Pangalawa, hindi kami kasing yaman nila. Mahirap lang kami. Malayo ang estado ng buhay namin sa kanila. At ayokong isipin ng mga tao, lalo na ng pamilya niya na pera lang ang habol ko. Hindi ako gano'ng tao at hindi gano'n ang intensyon kong mangyari.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
