Zen's POV
Binabantayan ko na ngayon yung naka jersey-23. Aaminin ko na magaling talaga siya. Kahit medyo pagod na ako ay tinitiis ko parin para lang mabantayan siya. Nakakainis lang dahil palagi siyang nakangiti sa akin. Kapag tinadyakan ko 'to, tanggal ang kinabukasan nitong animal na'to. Iyak din talaga 'to panigurado.
Pagkatapos niyang ilusot sa hita niya 'yung bola ay bigla siyang lumusob sa harapan ko. Dali-dali din naman siyang umatras muli para sa kadahilanang matumba ako. Nang tuluyan akong matumba sa sahig agad naman siyang nagshoot ng tatlong puntos.
Pagkalapag niya ay ngumisi naman ito sa akin. Pagkatapos ay kumindat naman siya na parang nagyayabang sa ginawa niyang puntos na 'yun. Inabot naman niya 'yung kamay niya sa harap ko para tulungan akong tumayo subalit hindi ko naman ito tinanggap. Hindi naman ito umimik at naglakad nalang paalis. Mabuti nalang na nagtawag ng time-out si Tito dahil medyo pagod na rin ako. Agad naman akong lumapit sa pwesto namin at naupo muna sa gilid habang nagpapahinga. Ngayon nalang kasi ako nakapaglaro ng basketball, eh.
"Okay, ganito gagawin natin. Kailangan dalawa ang magbantay kay Eric, 'yung naka-jersey 23, at kayo 'yun Zen at Jared. Kailangan nating habulin sila dahil ilang segundo nalang ang natitira at 74-72 na ang iskor. Kailangan lang natin makashoot ng tatlong puntos para back-to-back champion ulit tayo ngayong taon," sabi ni Tito.
"Yes, coach!" wika nila.
Pumunta naman muna sa puwesto ko si Mommy para kumustahin ako. Abala pa kasi 'yung reperi sa inaasikaso nila.
"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" sabi ni Mommy habang pinupunasan ako ng pawis.
"Ayos lang po ako, medyo napagod lang po ng kaunti. Ngayon nalang po kasi ako nakapaglaro."
Pumunta naman sila Irish sa pwesto namin para makipagkwentuhan muna. Dito nalang daw sila pupwesto at magchi-cheer para mas malapit sa puwesto namin. Nahinto nalang kami sa pag-uusap nang pumito na 'yung reperi, senyales na magsisimula na ulit ang laro.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jared.
"Oo naman."
Ngumiti muna ako sa kaniya at nag thumbs up bago pumunta sa pwesto namin. Magkatabi naman kami ngayon at binabantayan namin ng maigi 'yung Eric, 'yung naka-jersey 23. Ngumiti muna sa akin siya at nung tumingin siya kay Jared ay tumaas ang kilay nito. Nung tinignan ko rin si Jared, hindi rin maipinta yung mukha niya habang nakatingin doon sa binabantayan namin. Parang diring diri ang dalawa sa isa't-isa.
Medyo bumilis na rin 'yung kilos nung naka-jersey 23 kaya nahihirapan na akong bantayan siya. Samantalamg si Jared naman ay parang maning-mani lang sa kaniya 'yung galaw na ganun.
Tatlumpong segundo nalang ang natitirang oras kaya halos lahat kami kinakabahan. Hindi ako makasabay sa galaw nina Jared kasi masyadong mabilis. Magsho-shoot na sana 'yung naka-jersey 23 nang nasupalpal naman ito Jared kaya mas lalong lumakas ang sigawan dito sa loob ng court.
Agad ko naman hinabol 'yung bola bago pa ito tuluyang mapunta sa labas ng linya. Pagkatapos kong makuha ay pumwesto naman kaagad ako. Nakabantay naman muli sa akin ngayon 'yung naka-jersey 23. Pero ngayon hindi na siya ngumiti, hindi rin nakasimangot. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin na para bang sinusuri kung ano ang magiging sunod na galaw ko.
Aagawin niya na sana 'yung bola nang inilusot ko ito sa pagitan ng hita ko paharap. Pagkatapos ko ilusot sa hita ko 'yung bola ay bigla akong lumusob sa kaniya at umatras muli para sa kadahilanang siya naman ang matumba ngayon. Ginaya ko lang kasi 'yung teknik na yun sa kaniya kung paano ako natumba kanina. Nang matumba siya ay agad akong naman akong nagshoot ng tatlong puntos. Pagkalapag ko ay ako naman sa kaniya.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
