Zen's POV
Kasalukuyan naman na kaming bumibili sa kapiterya. Didiretso nalang daw kami sa field at doon nalang kami kakain kasi madami daw ang mga pangit kabonding dito. Papalabas naman na sana kami ng may humarang na naman sa daanan na hindi kaaya-aya ang mukha. Sobrang pangit kumbaga.
"Not so fast."
Natigil naman ang mga estudyanteng kumakain malapit sa amin dahil sa naagaw naman namin ang atensyon nila.
"Ano na naman ang problema mo?" walang ganang tanong sa kaniya ni Melody.
"Sa inyo wala, pero sa kaniya meron."
Tiningnan naman niya ako ng nakangisi. Nagulat naman ako nang bigla nalang may nagsilabasang mga lalaki at pinaghahawakan ang kamay st braso nila Nuelle.
"A-Ano 'to? Putik! Bitawan niyo ako!"
"Kapag ako nakawala dito, susungalngalin ko pagmumukha niyo!"
"A-Aray ko!"
"Ano ba?! Hindi ba kayo nakakaintindi ng bitawan?!"
"Mga punyeta kayo!" pagwawala ng mga kasama ko.
Pumunta na din ang mga estudyante sa amin upang makiusyoso at makichismis kung anong kaguluhan ang nangyayari dito. May nagbubulungan, may kumukuha ng bidyo at may mga walang pakialam kung ano ang mayroon.
Napansin ko naman na lumapit sa akin 'yung mga pokpok girls. Bigla din nalang akong pinagsasabunutan, pinagsasampal, at pinagtatadyakan kaya papahiga na lamang ako sa sahig dahil sa sakit. Ngunit wala namang luha o emosyon ang bumalatay sa mukha ko habang sinasaktan nila ako.
Wala namang magawa ang sigaw nina Alina para matigil sila. Hindi rin kasi sila makaalis dahil sa mga lalaking nakahawak sa kanila. 'Yung ibang mga nanonood naman ay parang may naawa sa akin, 'yung iba naman ay parang walang pakialam sa mundo at may tumatawa pa. Hindi naman nila ako magawang tulungan dahil baka madamay pa sila.
Nagtataka naman ako kung bakit nila pinaggagawa ito. Sa pagkakantanda ko din ay wala akong ginawang masama sa kanila. Ni hindi nga ako gumaganti pabalik.
Ganyan ba talaga ba ang epekto kapag wala kang ganda?
Natigil naman sila sa pambubugbog sa akin kaya napaangat naman ako ng tingin. Dahan-dahang lumapit sa akin 'yung mukhang lider nila. Huminga naman ako ng malalim saka ako tumayo at pinagpagan ang damit ko. Hindi pa man ako nakakakilos ay naramdaman ko naman ang pagdampi ng kamay niya sa akin. Sa sobrang lakas naman nun ay halos mapatagilid nalang ang mukha ko.
"B-Bakit hindi siya lumalaban?!"
"Hindi ba, 'yan 'yung crush mo?!"
"Oh my, gosh! K-Kawawa naman siya."
"Grabe naman ang mga spicy girls sa kaniya."
Napahinga naman ako ng malalim habang kinukumbinsi ang sarili ko na huwag ko silang patulan o gantihan man lang.
"Z-Zen..."
Kita ko naman ang lungkot at awa sa mga mata ng mga kaibigan ko.
"Bakit kasi hindi ka nalang umalis dito?" sabi ng isa sa mga alipores niya.
"Bakit kaya hindi nalang ikaw."
Mukhang hindi naman nila nagustuhan 'yung sagot ko kaya tinadyakan naman ako nung isang lalaki dahilan para mapahiga ako sa sahig.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
