Chapter 80

3.8K 91 6
                                    

Zen's POV

"Zen, make it fast!"

"Kumalma ka! Ito na nga!"

"Ugh, come on!"

"Ito na nga, binibilisan ko na!"

"Kanina pa ako nangangalay."

"Anong nangangalay? Eh, ako nga ang kumikilos dito!"

"Just make it fast."

"T-Tang-ina, Carlo! Ang ingay mo! Naririndi na ako sa'yo."

Inis naman akong napalingon kay Carlo na kanina pa nakabihis.

"W-What?"

"Iyong bibig mo kamo."

"What's wrong with my mouth?"

"B-Basta, manahimik ka na lang dahil binibilisan ko namang kumilos."

Napailing na lang ako dahil kung ano-ano ang mga pumapasok sa isip ko. Narinig ko naman siyang tumawa kaya mas lalo lang akong nainis.

Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay niyaya niya ako na may pupuntahan kami ngayon. Tinatamad pa naman akong gumala pero wala akong magawa sa kakulitan ng isang 'yan. Pagkatapos kong mailigpit 'yong mga gamit ko ay agad naman 'yon kinuha ni Carlo.

"Let's go."

"Hindi ka naman atat, 'no?"

"I am."

"Tch, saan mo ba kasi ako balak dalhin?"

"Itatanan na kita."

"Luh, maangas ka?"

"I'm serious. Itatanan na kita hahaha."

"Huwag mo ako paglolokohin at baka hindi kita matansya, lalo na ngayong kulang ako sa tulog."

"Doon ka na lang sa kotse ko matulog."

"Luh, desisyonavility ka na niyan."

"Hahaha!"

"Carlo, ano ba? Trip mo na naman ako?"

"Yap, palagi kitang trip."

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"What? Nagbibiro lang ako. Tara na kasi para maaga tayong makarating sa pupuntahan natin."

Napailing na lang ako dahil hindi ko makuha ang timpla nito ni Carlo. Hindi pa nga ako nakakalimuta 'yong nangyari kagabi tapos mag-iinarte na naman siya sa harapan ko.

Pagdating namin sa sala ay naabutan naman namin sila Coach na nag-aalmusal.

"Z-Zen, Carlo, saan kayo pupunta?"

"Itatanan ko na po siya, Coach," sagot ni Carlo.

"W-What?"

"H-Hoy! Siraulo ka ba?!"

Malakas ko namang siniko si Carlo dahil gulat na gulat sila Coach sa pinagsasabi nitong kupal na 'to.

"Just kidding, Coach. May pupuntahan lang po kami."

"O-Oh, okay... Basta mag-ingat kayo dahil may bagyo ngayon."

"Yes, Coach. Thanks."

"At sino nagsabing sasama ako sa'yo? Gago, nagbihis lang ako."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now