Chapter 13

632 21 0
                                    

Zen's POV

Pasado alas-diyes na din ng tanghali ako nagising. Pagbaba ko ay sakto ring pagbaba ni Jared. Tumungo naman kami sa kusina at sabay na kaming nag-agahan. Kami lang ang naiwan dito sa bahay dahil may pasok sila Mommy sa trabaho.

"Jared, kailan mo pala balak mag-enroll?"

"Hindi ko alam," tipid niyang tugon habang hindi nakatingin sa akin.

"Sayang tuloy, magkabatch sana tayo."

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa sala at nanonood ng tv.

"Mag-aaccelerate exam ako sa susunod na pasukan para magkabatch na ulit tayo."

Nanlaki naman tuloy ang mata ko sa pagkabigla. Nakalimutan ko na tagapagturo ko pala ang lalaking 'to. At simula din pagkabata pa ay siya na ang gumagabay sa akin. Kaya paniguradong puto lamang para sa kaniya ang acceleration exam na 'yun.

"May napili ka na bang University na papasukan?"

"Sa university nalang pinapasukan mo."

Sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin sa telebisyon. Nagkibit-balikat namam ako dahil mas ayos na din 'yun. At panigurado din na mag-aapply din siya for scholarship at magtatry-out siya ng basketball para makalibre rin siya tulad ko.

"Matanong ko lang, Jared? Bakit ka nga pala huminto? B-Bakit parang hindi ko maalala?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Gayunpaman din ay ang daming bagay at ibang mga pangyayari ang hindi ko maalala. At wala din akong maisip na dahilan kung bakit. May mga ilan naman akong naaalala sa mga nangyari, pero halos 'yung iba ay wala talaga.

Dahan-dahang tumingin sa akin si Jared. Napakunot naman ako ng noo sapagkat kakaiba 'yung ekspresyon mukha niya. Hindi ko mawari kung may nasabi ba akong mali o sadyang may pagkatanga lang talaga ang tanong ko.

Kasi nitong mga nakalipas na araw ay madalas akong managinip ng mga kung ano-ano. Nakakapanibago lang kasi. Parang nandun ako sa panaginip ko na 'yun ewan. Tapos mas lalo daw akong gumaganda. Basta!

'Yung nakaraan kasi nakakita ako ng umiiyak. Tapos minsan may kapangyarihan ako. Tapos minsan nasa ibang dimensyon ako. Pero maganda pa din ako kahit ganun ang napapanaginipan ko.

Pero bakit malabo? Japan yern? Pero 'yung ganda ko ay napakalinaw. Itabi niyo, ako na.

"Napasama kasi sa barkada," saad niya sa akin habang nakangiwi.

Hindi ko nalang siya pinansin at nanood na lamang sa television. Mabuti nalang at It's Showtime na. Napapasabay naman ako sa kanta nila.

Paparaparapangit ka~~
Paparapangit ka talaga~~

"Zen, sama ka? May liga kami mamaya sa Sta. Mesa."

Hindi ko naman siya pinansin dahil busy ako kakapanood. Istorbo siya, eh. Kumakanta pa nga ako sa isip ko. Nagulat naman ako ng bigla nalang niya kinuha yung remote at pinatay 'yung pinapanood ko.

"Tataratatang-ina ka."

Napaupo na lamang ako sa sahig dahil sa lakas ng batok na natanggap ko kay Jared.

"Minumura mo ba ako?!" asar na sabi niya sa akin.

"Biro lang, ito naman! Magkatunog kasi, eh!"

Babatukan naman niya sana ako pero agad naman akong umiwas bago pa dumapo sa akin ang pangit niyang kamay na kasing pangit niya rin.

"Huwag kang oa. Sorry ba nga, eh. Kumanta lang naman ako!"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now