Chapter 3

1.3K 41 5
                                        

Zen's POV

So, former student pala siya? Nakakapagtaka lang dahil parang hindi naman yata tugma 'yung "heartthrob" na description ng speaker sa kaniya. Ang dumi lang pakinggan, sobrang sakit sa tenga. Ang hirap sikmurain kasi napakalayo talaga ng salitang 'yun para mailarawan ang pagkatao niya.

Bigla namang sumagi sa isip ko na baka sobrang yaman o sikat niya kaya ganito ka-engrande ang pagdating niya. Imagine, pati university admin, pinaghandaan ang pag-welcome sa kaniya. Pero kahit ano pa siya, hindi maipinta ang mukha ko. Ang daming tanong na bumabagabag sa akin dahil sa lalaking 'yun.

Wala naman talaga akong pakialam sa buhay ng iba, lalo na sa kaniya, pero sadyang naagaw niya ang atensyon ko sa maling paraan. Hindi ibig sabihin nun ay interesado na ako sa kaniya—never. May atraso siya sa akin at baka matadyakan ko pa siya sa diaphragm pag nag-abot kami. Akala siguro niya ay madadaan niya ako sa ganung pa-cool na eksena. Hindi ako natutuwa. Minsan talaga, hindi pwedeng magpaapi na lang kahit gaano ka pa kabait. Kailangan mo ring ipagtanggol ang sarili mo para matauhan ang mga tulad niya.

Habang nagsasalita ang emcee sa tabi niya, nanatili lang siyang nakatayo roon na parang bagot na bagot sa mundo. 'Yung tipong wala siyang pakialam sa tilihan ng mga tao sa paligid niya. He looked like he'd rather be anywhere else but here, kahit may nagsasalita pa sa harap niya. Napaka-disrespectful.

Inikot niya ang paningin niya sa crowd hanggang sa huminto ang titig niya sa akin. At ang kapal... ngumisi pa ang loko. Napakunot ang noo ko; hindi ko mapigilang maasar sa inaakto niya. Kahit simpleng smirk lang 'yun, labis na inis na ang nararamdaman ko. Nakakapang-init talaga ng ulo.

In all honesty, bihira lang akong mainis. Bata pa lang ako, sinusubukan ko nang magkaroon ng mahabang pasensya. Pero may mga tao talagang i-te-test ka hanggang sa dulo. Ang sarap talagang gantihan 'yung mga mahilig mang-asar. Tumingin lang ako sa kaniya nang seryoso at malamig. Kapag talaga kinaltukan ko 'to, depressed 'to panigurado.

"I understand that you missed these kinds of scenes in the university. But now that you know the good news, you can return to your own rooms. And please, make sure to treat, welcome, and be kind to Mr. Carlo, alright?" paalala ng tagapagsalita.

Be kind? Hindi ko maipapangako 'yan. Dahil kapag naulit pa ang nangyari sa banyo, o kapag lumala pa, hindi ko masisigurado na makakapagtimpi ako. Walang sinuman ang may karapatang bumastos sa akin, lalo na kung wala akong ginagawang masama.

Tumayo na sila Marlene, pero nanatili pa rin ang tingin ko kay Carlo sa harapan. Parang may invisible na kuryente sa pagitan namin ng dahil sa inis.

"Tara na, Zen. Tulala ka na dyan," yaya ni Marlene.

Pagtingin ko sa pwesto ko, wala na rin 'yung lalaking nag-abot ng pamaypay sa akin kanina, kaya tumayo na lang din ako para sumunod sa kanila.

"Oh my gosh! Mabuti at bumalik na si Carlo! Lalo na talaga akong magsisipag sa pag-aaral nito kasi nandito na ang inspirasyon ko!" maharot na sabi ni Nuelle habang niyayakap ang sarili.

"Ipahinga mo 'yan, te. Kumalma ka, baka ma-stroke ka sa landi," natatawang bara ni Rhea sa kaniya.

"Bakit ba? Hindi niyo ba susuportahan ang crush moment ko kay Carlo?" pagmamaktol ni Nuelle habang naglalakad kami pabalik sa room.

"Hindi," sabay-sabay nilang sagot.

"Grabe kayo! May masasaktan talaga ako sa inyo, eh!"

"Hahaha! Kalma ka lang, te!"

Pag-akyat namin sa silid, wala pa ang susunod naming professor kaya tumambay muna ang barkada sa pwesto ko. Siyempre, hindi nakaligtas sa usapan ang lalaking bida-bida sa gym kanina.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now