Chapter 78

956 16 0
                                        

Zen's POV

Pagdating ng hapon ay agad naman akong nagbihis. Kumuha na lang ako ng mga medyo pormal na damit dahil ayoko namang magmukhang katawa-tawa doon. Pagbaba ko ng bahay ay naabutan ko naman na kararating lang ni Michael habang kausap si Jared. Seryoso namang tumingin sa akin si Jared kaso kumilos lang ako ng natural.

"Tara na?" aniya kaya tumango naman ako bilang tugon.

"Kailangan mo ba talagang pumunta doon?" tanong ni Jared.

"Oo naman. Kailangan kong bumawi doon kay Carlo."

"P-Paano kung..."

"Hindi 'yan. Akong bahala."

Isinukbit ko naman 'yung gitara sa likod ko at dumiretso na sa labas. Si Michael naman ang nagbuhat nung isa ko pang bag. Didiretso na kasi ako pagkatapos sa kampus dahil may laban kami kinabukasan sa UAAP. Matapos akong maihatid ni Michael ay nagpaalam na ako sa kaniya at bumaba na ng sasakyan.

"Ayaw mong sumama?" tanong ko kay Michael habang nakatingin sa bintana ng kotse niya.

"Hindi na. Dito nalang ako sa labas, baka kasi mas lalong magalit 'yun kapag nakita niya ako."

"Tch."

"Basta huwag kang magmadali dahil ayos lang ako dito. Sulitin mo nalang 'yung oras mo sa loob-"

"Bababa ka o bubutasin ko ang gulong ng sasakyan mo?"

"H-Hoy! Grabe ka naman!"

"Bumaba ka na. Ayokong may pinag-aantay ako. Doon mo ako samahan sa loob."

"H-Huwag na nga."

Sinamaan ko naman ng tingin si Michael kaya bumaba na ito sa sasakyan niya.

Bumungad naman sa amin ang magagarang mga dekorasyon sa loob at labas ng bahay nila. Kahit na nandito pa lang kami sa labas ay rinig na rinig na ang tutog mula sa loob ng mansyon.

"I-Ito 'yung bahay nila?" tanong ni Michael sa gilid ko.

"Oo."

"Jackpot pala ang nakuha mo."

"Tch. Hindi pera ni Carlo ang habol ko."

"A-Alam ko. Ang akin lang, full-package na si Carlo. Medyo may red flag lang sa ugali hehe."

Hindi naman ako umimik dahil may punto naman siya.

"Bakit hindi pa pala tayo pumapasok?"

"May hinahantay lang ako."

"Sino?"

"Si Paolo."

"Sino 'yun?"

"Kapatid niya."

"Ahh."

Mga ilang sandali lang din ay lumabas na si Paolo at masayang sinalubong ako.

"Zen! Mabuti at nakapunta ka."

Ngumiti naman ako ng pilit kay Paolo.

"Pupuntahan na sana kita. Mabuti at sinabihan mo ako. Kanina pa kasi tahimik si Carlo. Hindi makausap, inip na inip. Miski kumain, ayaw din."

"Ano pa nga ba? Baka sugurin na ako nung kapatid mo kung hindi ko pa 'yun susuyuin."

"Hahaha!"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now