AUTHOR'S NOTE:
Pasensya na po talaga sa super tagal na update huhuhu! Super hectic po talaga ng schedule ko sa school. College na po kasi ako kaya kailangan ko ng mga oras. Super daming activity at mga quiz namin kaya nawalan po talaga ko ng oras para magsulat. Online po kasi ang kinuha ko kaya ganun.
Once again, I'm so sorry po.
Enjoy reading...
Zen's POV
Nang sabihin sa amin ng doctor na ayos na ang lagay ni Jared ay sumunod na kami sa ward. Nang makarating kami sa kwarto ni Jared ay pumasok na kami kaagad sa loob. Si Tito naman ay umalis muna kaya kami nalang ang naiwan sa loob.
Si Tita naman ay lumapit sa hospital bed kung nasaan nakahiga si Jared. Kami naman ni Mommy ay naupo nalang sa sofa.
"Umuwi ka kaya muna, Baby. You need to rest."
"O-okay lang po talaga ako Mommy." Sabi ko habang hindi nakatingin kay Jared.
Narinig ko namang napabuntong hininga nalang si Mommy.
Makalipas ang tatlumpong minuto ay bumalik na din si Tito na may dalang pagkain. Agad naman akong nakaramdam ng gutom kaya lumapit na ako sa lamesa para kumain.
Habang kumakain ako ay nasagi sa pag-iisip ko sila Shane. Kahit gusto kong tawagan o kamustahin sila ay bigla akong nahihiya at kinakabahan.
Napapikit nalang ako ng madiin dahil nangyari na nga ang ikinatatakot ko. Tama nga sila. Yumabang nga ako. Hindi ko na naisip 'yung mga taong mahahalaga sa buhay ko kapag pinairal ko ito.
This is all my fault!
Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na din ang mga pinagkainan ko. Napansin ko naman na tulog na sila Mommy. Pagod ata sila at sumabay pa ang pag-aalala nila sa amin.
Dinim ko muna ang ilaw ng kwarto bago ako lumabas. Gusto ko kasing gumala muna at mag-isip isip.
Napadako naman ako sa kwarto ni Ron. Gusto ko sanang pumasok kaso baka maging dinosaur na naman ang mama niya kapag nakita ako doon. Bumuntong hininga muna ako bago ako umakyat sa roof top ng hospital.
Nakakainis din 'tong si Carlo eh. Alam naman niyang mahirap lang kami tapos dito pa niya kami dinala.
Hindi ko naman maiwasang mapahanga sa ganda ng tanawin dito sa roof top. Puro madilim. Mga puno.
Ang galing.
Napakaangas.
Saktong pagtalikod ko ay napatras naman ako dahil nakatingin ng diretso sa akin si Carlo.
"H-hey..." Ani ko.
Hindi naman niya ako sinagot. Sa halip, ay naglakad lang ito patungo sa akin.
Halos malagutan naman ako ng hininga nang iharang niya ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko sa pamamagitan ng paghawak sa bakal.
Napatingala naman ako sa kaniya.
Gusto ko sanang magsalita kaso nauubusan ako ng mga salita at hindi ko rin alam ang mga sasabihin ko sa kaniya.
"S-sorry..." He said in low yet firm toned.
Napatitig nalang ako sa mata niyang punong-puno ng emosyon na pinipigilan niyang ipakita.
Nanlaki nalang ang nata ko ng bigla niya akong hatakin. Kakalas na sana ako nang yakapin niya ako dahilan para mapahinto ako sa binabalak ko.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Jugendliteratur[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
