Chapter 8

790 25 4
                                        

Zen's POV

Pagbalik ko sa loob ng gym ay nandun parin sila at nagkukwentuhan habang kasama ang ibang mga kaklase namin. Gusto ko sanang makisaya kasama sila ngunit napapalitan kaagad 'yun ng pangamba.

"T-Tara na," pag-aaya ko sa kanila.

"Sige."

Tumayo na kami at lumabas na ng gym.

"Ano pala yung pinag-usapan niyo, Zen?"

Bigla naman akong napahinto. Bigla mo na naman kasing naalala 'yung naging pag-uusap namin nila Coach Ben. Na kahit ayokong paniwalaan ang mga 'yun, mayroon namang nagsasabi sa akin na totoo iyon. Napatingin naman ako sa paligid. Pakiramdam ko nga din tuloy na may nagmamatiyag o may nakatingin sa akin ngayon kaya hindi ko maiwasang hindu kilabutan.

"Bakit? Ayos ka lang ba?" tanong nila sa akin.

"O-Oo naman, ayos lang ako."

"T-Tungkol lang yung sa pagiging varsity ko," dagdag ko pa.

Umakyat na kami at nagkwentuhan nalang. Naubos lang 'yung oras namin sa pagkukwentuhan namin dahil wala namang pumasok na Propesor sa amin.

Ma'am at Ser? Kaya ba 'yan today?

"Zen! Puwede ba kaming tumambay sa inyo?" sabi ni Nuelle kaya nabaling naman ang atensyon ko sa kaniya sa pag-iisip ko.

"Puwede naman, kaso huwag naman mamaya. Hindi pa ako nakapagpaalam, eh. Kahit overnight pa 'yan, ayos lang."

"Sige, sige, bet ko yan."

Napagdesisyunan naming kumain sa kapiterya dahil pasado alas dose na. Mamaya pa naman kasi 'yung susunod na subject namin. Mabuti nalang at walang masiyadong tao kaya mabilis lang kaming nakaorder ng pagkain.

"Feeling ko, boring na boring ako ngayon araw! Kaloka," Sabi ni Rhea kaya apadukdok nalang siya sa lamesa.

"Ako din, eh," pagsasang-ayon nila sa kaniya.

"Ano kayang puwedeng gawin?"

Hindi naman kami sumagot dahil kahit kami ay walang maisip na puwedeng gawin.

"Sa field nalang tayo. Dumadami na din kasi ang mga tao."

"Tara."

Tatayo palang sana ako ng may bigla nalang may tumabig sa balikat ko kaya nahulog mga gamit ko sa lapag. Tinignan ko naman kung sino ang may gawa nun ngunit dire-diretso lamang sila paglalakad na parang wala silang nakita. Ni walang balak humingi ng tawad sa nagawa nilang 'yonmzas. Walo sila, anim na hindi magaganda tapos dalawa pang hindi maganda. Pinaghiwalay ko lang pero lahat talaga sila ay hindi maganda. Napabuntong-hininga nalang ako at inis na kinuha 'yung mga gamit kong nagkalat sa lapag.

"ANDIYAN NA YUNG SPICY GIRLLLS!!!"

"Grabe, ang gaganda nila!!!"

"Gusto ko rin sumali sa grupo nila!"

"Franzheska!"

"Reaalyn!!!"

"Grabe, ang ganda ni Angel!"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now