Chapter 14

672 20 4
                                        

Zen's POV

Maaga naman akong umalis ng bahay ngayon. Nahihiya pa rin kasi akong makaharap si Jared. Hindi ko talaga kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya matapos 'yun. Siya na nga ang nagligtas sa akin tapos ang lakas ko pa umasta ng ganun. Nakakakosensya lang talaga dahil parang nas nahihirapan pa sa sitwasyong ito si Jared, imbes na ako.

Sumakay nalang ako ng dyip dahil day-off ngayon ni Mommy. Gusto nga nga akong ihatid ni Mommy kaso nagsabi nalang ako na kaya ko naman. Pagod rin kasi siya sa trabaho at mas mabuti ng magpahinga nalang si Mommy para mabawi niya 'yung lakas niya. At alam kong puyat rin dahil sa dami niyang trabaho inaasikaso at ayoko ng makadagdag pa roon.

Nagdala na din ako ng ilang ekstrang damit dahil hindi na ako magtataka kung madudumihan na naman ako mamaya sa pagpasok ko. Alam mo naman kasi kapag maganda, palaging inaaway ng mga pangit.

Ewan ko ba, lapitin talaga ako sa gulo. Nakakapanghimutok lang sa inis, pisteng yawa.

Tch. Whatever.

Pagpasok ko sa school ay wala pa namang masamang nangyayari. Wala pa kasing lumilitaw na mga pangit sa paligid kaya pakiramdam ko naman ay wala pa ako sa danger zone ng kampus na ito. Hanggang sa makalagpas ako sa lobby ay wala pa naman—

Tang-ina mga bente! Bigla akong naligo ng dis oras!

Kakaligo ko lang naman, ghor! Mga buwakanang shet kayo. Pagtingin ko sa taas ay nandoon namam ang mga pokpok girls. Kumakaway pa sa akin at nagflying kiss pa ang mga gago.

Tibay!

Kumaway na din ako sa kanila, para naman maramdaman rin nila 'yung surpresa nila sa akin. Pero, ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sa earth. Ang papangit na nga, ang papangit pa ng mha ginagawa nila. Literal na double kill 'yung kapangitan. Maglalakad na sana ako nang may lumilipad na itlog papunta sa akin.

Pota.

Pota ulit.

Nakatayo lamang ako dito habang nagbabatuhan sa akin 'yung mga pokpok girls ng itlog. Na pati mga ibang estudyante rin ay mukhang bakikisali na rin sa pambabato sa akin.. Mga siraulo. Ang mahal ng itlog tapos ang lakas niyo magsayang! Syete o otso yan dito sa amin. Kung binigay nalang nila 'yan sa akin, mas natuwa pa ako. Edi, may leche de pakening flan kami ngayon.

Mabuti nalang ugly proof 'yung bag kong suot. Na kahit anong bato ng mga pangit ay hindi 'yan mababasa, mawawarak, o madudumihan man lang. Tanging magaganda lang na katulad ko ang makagagawa nun. Sa katunayan ay medyo nawawalan na nga ng saysay dahil nahawakan na nila noong nakaraan.

Sa tingin ko ay dalawang bandeha ata ang naubos na itlog kakabato sa akin. Sayang lang kai maraming puwedeng maluto dun, eh. Tulad nalang ng sunny side up, omelet, scrambled egg, itlog na pangit at bugok na pangit. Nice!

Nakakapang-init lang ng ulo sapagkat
kada-linggo ba sila magkaroon ng grand entrance para sa magandang tulad ko? Myghad, Marga! Mukha silang dragon. Wala lang, siningit ko lang. Pero kahit ganun ay nakaka-overwhelmed naman ang mga king ina. Sarap kaldagan.

Rinig na rinig ko naman ang bulungan ng mga estuyanteng nanonood at pinagmamasdan ang itsura ko ngayon. May naawa at may tumatawang mga pangit. Tang-ina niyo po.

"Kumusta ka diyan, sis?!" sigaw ng isa sa mga pokpok ghorls sa taas dahilan para magtawanan naman ulit ang mga tao.

Tch, masaya kayo? Pano 'yung saya? Dali, patingin!

"Keri pa naman, sis!" sigaw ko pabalik sa kanila.

Nabigla naman sila sa isinagot ko. Halatang hindi nila nagustuhan kaya tumalikod na ako. Nasasayang lang oras ko sa mga walang kwentang pakulo nila. Habang papunta ako sa locker ko ay ang dami namang chismosang nakatingin at nagbubulungan. Kinuha ko na nalang 'yung sabon at shampoo at dali-daling pumunta ng cr. Sa banyo ako ng men's volleyball ako pumunta dahil puwede namam kaming maligo dun kahit anong oras. Mabuti nalang at walang tao kaya nakapasok kaagad ako.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now