Zen's POV
Habang papunta kami sa cafeteria, hindi tumitigil si Nuelle sa pagkukwento tungkol sa buhay niya—from her daily routines hanggang sa mga random na ganap niya sa buhay. In fairness, sobrang gaan ng loob ko sa kanila. Isipin mo, ngayon ko pa lang sila nameet pero ramdam ko na agad ang comfort sa tabi nila. Para kaming matagal nang magkakaibigan.
"Sayang talaga, wala si Shane ngayon. She's missing out on the fun," panghihinayang ni Melody.
"Kaya nga, eh. First day pa naman ni Zen," dagdag ni Rhea.
"Naku, masanay ka na! Absenera talaga ang babaeng 'yun. Minsan feeling ko mas marami pa siyang absences kaysa sa attendance records niya sa buong sem," sabi naman ni Alina habang tumatawa, kaya sumabay na rin kami sa tawanan.
"Sino si Shane?" curious kong tanong. Napahinto sila sandali at nagkatinginan.
"Tulisan 'yun!" mabilis na sagot ni Nuelle.
"Tulisan?" Naguluhan ako. Literal ba na magnanakaw o term lang nila?
"Basta, malalaman mo na lang kapag pumasok na siya. Dating member kasi 'yun ng 'tulis-tulisan gang' sa probinsya nila," hirit ni Nuelle na may kasama pang seryosong facial expression.
"Sira ka talaga, te! Ang sama mo, wag mo ngang takutin si Zen!" saway ni Melody sa kanya bago humarap sa akin. "Wag kang maniwala dyan, Zen. Shane is actually cool, sadyang tamad lang minsan."
"May 'char' naman sa dulo, te! Masyado kang seryoso, kalma lang tayo," biro ni Nuelle sabay peace sign.
Pagdating namin sa cafeteria, dumiretso ako sa cashier para kumuha ng isang bottle ng tubig. Hindi na ako bumili ng meal dahil may baon naman akong kanin at ulam. Actually, it's one of the perks of being a student-athlete here. Libre kaming mga varsity players sa cafeteria; we can get whatever we want and how much we want, as long as it's within the university's policy. Part 'yun ng contract na pinirmahan ko when I committed to the team.
Nang makuha na namin ang mga kailangan namin, lumabas na rin kami agad. Medyo suffocating kasi sa loob dahil sa dami ng tao at sa sobrang ingay ng mga estudyante. Mabuti na lang at pare-pareho kaming ayaw sa ganoong ambiance. Mas gusto namin 'yung chill lang.
Doon na lang kami pumwesto sa isang kubo malapit sa soccer field. Sobrang ganda ng pwesto—mahangin, maaliwalas, at ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin habang nakatingin sa green field. Ang kubong ito ay kasya ang sampung tao, kaya sobrang luwag naming anim sa loob.
Nagsimula na kaming kumain at, as expected, naghati-hatian kami ng ulam. Binalatuba kami ni Nuelle sa pagkain—as in, ang bilis niyang kumuha ng ulam namin—pero ayos lang. Masaya kaming nag-enjoy sa pagkain habang tuloy-tuloy ang asaran. Kahit bago lang ako, hindi ko naramdamang outsider ako.
"By the way Zen, curious lang. Bakit ka nga pala lumipat dito sa NU? And bakit second sem ka na pumasok?" tanong ni Nuelle habang puno pa ang bibig ng kanin.
"Nuelle, table manners please!" sita ni Marlene sa kanya.
Natawa ako nang bahagya. "Sa CEU Makati talaga ang choice ko noong una. But then, mas malapit kasi rito 'yung work ni Mommy kaya mas convenient kung dito na lang ako mag-enroll. At least dito, they can drop me off and pick me up. Ayaw rin kasi nila na bumabiyahe ako nang mag-isa hangga't maaari. You know, delikado na rin ang panahon ngayon lalo na sa Manila."
"Sabagay, point taken. Safety first talaga," pagsang-ayon ni Rhea.
"And then nag-tryout din ako sa volleyball dito," pagpapatuloy ko. "I passed the tryouts kaya nakapasok ako as a scholar. Honestly, masyadong mabigat sa bulsa 'yung tuition fee kung regular student lang ako."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
