Zen's POV
Tila ba'y nawalan ako ng lakas at hindi ko na malaman kung ano pa ang gagawin ko. Napatulala na lamang ako sa kamay ko dahil sa sobrang panginginig nito. Halos hindi naman mapakali ang kaba sa dibdib ko sapagkat muntikan na ako kanina kung hindi ko pa napigilan ang sarili ko.
Napatingin naman ako kay Carlo habang patuloy lamang ako sa pag-iyak. Sinubukan ko namang tapikin muli ang pisngi niya kaso wala pa ding nangyayari. Huminga naman ako ng malalim saka ko siya marahang inilagay sa likod ko. Tatayo naman na sana ako nang biglang dumugo ang ilong ko dahilan para muntikan na akong matumba. Mabuti na lamang at nakakapit kaagad ako sa may puno para maibalanse ang katawan ko. Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay binuhat ko na siya paalis sa gubat pagawi doon sa hotel. Medyo naging mabagal naman ang paglalakad ko dahil nanghihina na ako at may kabigatan din si Carlo. Nang makarating ako sa labas nang hotel ay naabutan ko naman ang lahat maging ang mga nagkalat na pulis sa paligid.
Narinig ko namang may tumawag sa akin dahilan para mapatingin ang lahat. Nakatitig lamang sila at wala ni isang nagsasalita pagkatapos nilang makita ang sitwasyon namin ngayon ni Carlo. Bago pa man ako tuluyang matumba sa sahig ay nasalo na ako ni Ron at ni Coach Ben. Halata namang nataranta ang iba kaya dali-dali silang nagsipaglapitan sa amin. Marami naman silang itinatanong sa akin ngunit wala akong marinig na para bang barado ang tenga ko para makaintindi. Panay hinga lamang ako ng malalim at pigil sa luha ko.
"Y-You okay?" nag-aalalang tanong ni Ron sa akin ngunit tango lamang ang isinagot ko sa kaniya. Maya-maya lang ay may dumating na si Ma'am Ayra dala ang sasakyan niya.
"Get in. Carlo's condition is vital, so we need to get him to the hospital immediately," nag-aalalang sabi ni Ma'am Ayra.
Hindi naman ako nagsayang pa ng oras at dali-daling pumasok sa loob ng sasakyan. Pagdating namin sa hospital ay agad naman na lumapit sa amin 'yung ibang mga nars para asikasuhin si Carlo. Pagdating sa emergency room ay napaupo na lamang ako sa upuan. Narinig ko naman na may sinabi sa akin si Ma'am Ayra na babalik muna siya sa hotel ngunit hindi man lang ako kumibo. Nanatili lamang akong nakayuko.
Ilang oras na ang nakalilipas ngunit nandito pa din ako sa labas. Maya-maya lang din ay dumating naman si Paulo kasama sina Mr. and Mrs. Buenavista kaya nakaramdam naman ako ng sobrang kahihiyan. Napatayo na lamang ako dahil pakiramdam ko, ako na naman ang dahilan kung bakit sila napapahamak kaya ganito na lamang ang konsensyang nararamdaman ko.
Bumulusok naman kaagad ang luha ni Mrs. Buenavista nang makita niya ang kalagayan ni Carlo. Nanatili naman akong tahimik habang nakatingin sa malayo sapagkat nahihiya ako sa nangyayari. Dahan-dahan namang lumingon sa akin si Mrs. Buenavista at kitang-kita sa mata niya ang labis na kalungkutan dahil sa sinapit ni Carlo na dapat sa akin. Ngunit anumang sasabihin nila ay kailangan ko 'yun tanggapin dahil ako naman talaga ang may kasalanan nang lahat at hindi ko pwedeng ikaila 'yun.
Nabigla na lamang ako nang salubungin ako ni Mrs. Buenavista bang isang yakap na punong-puno nang pag-aalala. Hindi ko naman mawari kung ano ang mararamdaman ko ngunit alam ko sa sarili ko na kaginhawaan 'to para sa akin.
"A-Are you okay? May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.
"P-Pasensya na ho, M-Mrs. Buenavista."
"You don't have to say sorry."
"P-Pero ako na naman ho ang dahilan kung bakit ho ito nangyari kay Carlo."
"It's not your fault, okay? Wala kang ginagawang masama at walang may gustong mangyari 'yun kaya huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo sa nangyari."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...