AUTHOR'S NOTE:
Sorry po ulit sa napakahabang update! Mianhaeyo Witties! Busy lang po talaga ako at wala akong maisip para sa next pero nangangako na ako babawi ako sa inyo.
Salamat!
Enjoy reading witties...
Zen's POV
Pababa na kami ngayon sa cafeteria para kumain.
"Hindi talaga ako makapaniwala na pumapasok na 'yung prof. natin sa FOH."
"True! HAHAHA!"
"Napahaba ang bakasyon ni Ateng!"
"Dapat tinuloy-tuloy nalang niya para happy!"
"HAHAHA!"
Laking gulat kasi namin kanina nang bigla kaming pinasukan nung Professor namin sa Foundations of Hand. Akala nga namin ay hindi na siya papasok hanggang sa matapos ang semester.
Nagpakilala muna siya tapos naglesson kaagad. Medyo nalilito kami dahil ang bilis niya magturo at medyo mahirap talaga ang subject na 'to. Major eh. Tapos 'yung pinag-aaralan namin kanina parang baybayin keneme ang peg pero mas pinahirap! Kailangan daw ng tamang stroke sa pagsusulat at intinding mabuti para mabasa at maintindihan kung ano man 'yun HAHAHA!
KAKALOKA BHIE!
Bago pa kami makalabas ng building namin ay nasalubong namin 'yung dating members ng mga pokpok ghorls.
Awkward!
"Hello po." Bati nila sa amin. Walang may balak sumagot sa mga kasama ako kaya ako nalang ang sumagot.
"Hi." Bati ko din sa kanila.
Gulat ang namutawi sa mukha nila Melody kaya nginitian ko nalang sila para sabihing nagbago na sila at nagretired na sila sa pagiging pokpok girls HAHAHA!
Songs!
"Bakit kayo nandito?" Pagmamaldita ni Nuelle aa kanila.
"G-gusto lang sana namin kayong maka-usap p-pero okay lang naman k-kung a-ayaw niyo."
"S-sige, a-aalis na kami." Akma na sana silang aalis kaya agad ko silang pinigilan.
"Wait."
"B-bakit?" Sabay-sabay nilang sabi.
"Break time niyo na rin diba?"
"O-oo."
"Sabay na kayo sa amin."
"Zen!" Saway sa akin ng mga kasama ko kaya nginitian ko naman sila.
"H-hindi na okay lang."
"Ayaw niyo?" Kunwaring pagmamaldita ko. Tinaasan ko din sila ng kilay para madami naman nila.
Aarte pa ba sila? Ako na nga ang gumagawa ng paraan para mgkabati sila eh!
Katulad ng palagi kong sinasabi...
HUWAG KANG MAG-INARTE KUNG HINDI NAMAN MAGANDA.
"Ah sige hehehe." Naguguluhan nilang sabi kaya ngumiti nalang ulit ako.
Kakapagod ngumiti ah! Buti ba sana kung crinushback na ako ni Paolo!
Enebe!
Parang tanga 'to!
HAHAHA!
"Tatayo nalang ba tayo dito? Kaya ba today?"
Hindi naman nila alam ang gagawin nila kaya nauna na akong maglakad. Naramdaman ko namang sumunod na sila sa akin.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Dla nastolatków[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
