Zen's POV
Habang naghihintay kami sa unang subject namin ay naglakas loob akong lumapit kanila Nuelle kahit na kinakabahan ako.
"H-hi." Pilit ngiting bati ko sa kanila.
Tiningnan lang nila at saka nagsipag-iwasan ng tingin sa akin. Bigla namang napalitan ng lungkot ang mukha ko.
Galit pa din ata sila sa akin.
"K-kamusta na kayo?" Pagpipilit ko kahit alam ko sa sarili ko na mauutal at luluha na ako sa hindi nila pagpansin sa akin.
Hindi pa rin nila ako pinansin at parang wala silang naririnig na salita mula sa akin.
Inaamin ko na nasaktan ako sa ginawa nilang ganun pero may karapatan sila. May karapatan sila dahil nasaktan sila dahil sa akin at nadamay sila sa gulong pinasok ko.
Pero kailangan ba talaga nila akong saktan din?
Pansin ko din na gusto akong kausapin ni Nuelle kaso nagdadalawang isip siya. Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Melody.
It really hurts...
Nginitian ko nalang si Nuelle at inilingan para sabihing huwag na niyang ituloy kasi baka mag-away away pa sila dahil sa akin. Mas okay na ako nalang, huwag lang sila.
"S-sige."
Tumalikod na ako dahil mukha namang wala silang balak na kausapin ako. Mabuti nalang na bago ba pumatak ang luha ko ay nakarating na ako sa upuan ko. Pasimple ko naman 'yung pinunasan para hindi nila mahalata.
Yeah, I deserved it. I deserved all of it. Kung nakinig lang sana ako sa kanila nung una pala ay hindi sana hahantong ang ganito. Pero kasi pinagtanggol ko lang naman sila maging ang sarili ko.
Alam kong masamang gumanti pero gusto ko lang naman silang protektahan sa mga taong handang saktan sila.
Pero bakit? Bakit ang dali lang sa kanila na hindi ako pansinin? Sila ang kailangan ko ngayon eh para gumaan man lang ang bigat sa dibdib ko.
Napansin ko naman na kakapasok lang ni Carlo. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin habang naglalakad. Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya at kunwari may kinakalikot nalang sa loob ng bag ko.
Akala ko pa naman ay makakapasok na rin si Ron dahil gising na siya. Siguro ay kailangan pa niyang manatili doon para makapagpahinga pa.
Hayss. Kailangan ko pa palang magsorry at magpasalamat sa kaniya. Ibinuwis din niya ang sarili niya para maipagtanggol kami. Pagbalik nalang niya siguro. Baka kasi kapag pumunta ako doon ay mama niya ang maabutan ko. Nangangagat pa naman 'yun.
CHAR HAHAHA!
Mga sampung minuto ang lumipas, dumating na din ang Prof namin na si Ma'am Ayra. Nagbigay muna siya ng instructions.
Nagsimula na ang midterm exam namin. Physical Education ang unang itetest namin at nandito pa rin si Ma'am Ayra para bantayan kami.
Meron kaming isang kalahating oras para tapusin ang exam pero ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako nakakapagsagot. Hindi sa hindi ko alam ang sagot. Lumilipad lang talaga ang utak ko dahil sa sinabi ni Franzheska.
Mukha lang naman siyang nagbibiro ngunit hindi ko pa rin hindi maiwasang kabahan lalo na at may kasalanan ako sa pangyayaring 'yun. Hindi rin kasi imposibleng mangyari 'yun kapag nagkataon. Lalo na at galit sa akin ang mga magulang ni Ron at Carlo. Malakas din ang kapit nila dahil sila ang may-ari ng paaralang ito. Sila ang batas that's why kaya nila akong patalsikin dito ng walang kahirap-hirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/118963653-288-k822672.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...