Zen's POV
Halos hindi ko na maidilat 'yung isang mata ko dahil sa pamamaga. At hindi ko na rin masyadong maigalaw 'yung kaliwang braso ko. Kanina pa nila ako binabanatan ngunit hindi man lang ako gumaganti. Tanging pagsalag lamang sa mga atake nila ang ginagawa ko. May ipinakita kasi sa aking bidyo muli sa akin 'yung Jet at narinig kong sumigaw si Carlo. Hindi ko naman masyadong maaninag 'yung tao pero alam kong siya si Carlo 'yun base rin sa boses.
Hahampasin na sana ako nung isa nang baseball bat sa ulo ngunit agad naman akong sumugod papalapit sa kaniya at mabilis na inikot ang kamay niya para mabitawan ito. Ngunit agad naman siyang bumawi kaya natadyakan niya ako sa tiyan dahilan para mapahiga ako sa buhanginan.
"Ano na, kamusta kayabangan mo?" pang-aasar nung Jet sa akin habang suot-suot ang nakakalokong ngisi. Kasalukuyan naman akong nakaupo ngayon habang pinupunasan ang labi kong dumudugo.
"Nandito pa din naman."
"Baka gusto mo mas lalong mapahawak ang taong gusto mo?" sarkastikong wika niya.
"Huwag mo akong yabangan sa ganiyang paraan," walang gana kong sagot sabay tayo mula sa pagkakahiga.
"Tsk, wala ka lang magawa dahil hawak namin si Carlo," natatawang sambit niya.
"Ganun ba?" ipinakita ko naman sa kaniya ang ngisi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Tumahimik naman siya at parang nagtataka sa kung ano ang sasabihin ko.
"Pasig. May dalawang kang nakababatang kapatid na babae. Patay na ang tatay mo at nasa hospital naman ang nanay mo," simpleng tugon ko na ikinalaki naman ng mata niya at ikinawala ng ngisi niya sa mga labi niya.
"P-Paano mo n-nalaman 'yun?"
"Sabi ko sa'yo, may mahika ako."
"T-Tang-ina ka! A-Anong ginawa mo ng pamilya?!"
"Kalma lang, hindi ako katulad mong duwag kung lumaban."
"Sinasabi ko sa'yo, kapag may nangyaring masama sa pamilya ko, magtago ka nang bakla ka dahil papatayin talaga kitang hayop ka!" galit niyang pasigaw sa akin ngunit nanatili lamang akong kalmado sa sitwasyon kong ito.
"Kapag may nangyari namang masama kay Carlo, o kahit may makita lang akong gasgas sa katawan niya, ako mismo ang gagawa ng sinabi mo," seryosong sabi ko ngunit masama pa din ang mga titig niya sa akin dahil sa mga nalaman niya.
Agad naman akong kumilos nang mabilis siyang lumapit sa akin. Bago pa man tumama ang suntok niya sa akin ay marahan ko namang hinawakan ito sabay ilag. Agad ko namang hinawakan ang braso niya at hinatak ito papalapit sa akin. Akma ko na sana siyang tutuhudin nang hawakan niya ang hita ko sabay sipa sa tiyan ko. Kaagad naman akong bumalanse sa pagkakatumba at sumugod muli sa kaniya. Nang makita kong malapit nang tumama ang sipa niya ay agad ko naman itong ikinulong sa tagiliran sabay malakas na siko sa kaniyang hita. Agad ko rin itong sinundan pagtalon habang nakahawak pa din sa hita niya sabay tuhod ng malakas sa mukha niya na naging dahilan nang pagtumba niya sa sahig. Halos manlisik naman ang mata niya nang mapansin niyang dumudugo na ang ilong niya dahil sa pagtuhod ko.
Susugod naman na sana 'yung iba nang mabigla kami nang biglang nakigulo sa eksena si Marco at si... Carlo? Napakunot-noo na lamang ako sa kanila dahil sa pagtataka.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
