AUTHOR'S NOTE:
Pasensya na pong muli sa matagal na update. Wala po kasi akong net at inaasikaso ko po kasi ang enrollment namin kaya ako natagalan.
Gayumpaman, nagpapasalamat po ako sa inyo sa walang sawang pagsuporta.
Enjoy reading....
Zen's POV
Kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Jared.
"May masakit pa ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya.
Nahihirapang tumango naman ako sa tanong niya.
"It RéÁLLy hûRts." Natatawang sambit ko with matching hand gesture pa.
"HAHAHA!" Nagtawanan naman ang mga kasama namin
Bigla naman niyang pinitik ang noo ko.
"A-aray!" Pinalo ko naman siya sa braso dahil natamaan niya ng sugat sa noo ko.
"Sige lang, mang-asar ka pa. Kaya ka napapaaway eh!"
"Napapaaway?! Tsk. Hindi ko nga alam kung bakit sila sumugod dito eh. Wala naman akong ginagawang masama. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko pati mga kaibigan ko."
"I-ikaw ang tumalo sa kanilang lahat?!" Gulantang na sabi ni Ron sa akin.
"Oo eh hehehe." Kamot batok na sabi ko.
"Cool! Ang angas!"
"Ngi."
"HAHAHA!"
"Atsaka, bakit wala kayong bantay dito. W-wala man lang bang nagrorondang mga guard dito sa parking lot?" Nahihirapang sabi ko.
Feeling ko ay mas lalo akong nanghina.
"Naabutan nalang namin na wala nang malay ang lahat ng guard." Sabat naman ni Carlo sa gilid.
Hindi ko nalang siya sinagot at umiwas nalang ng tingin sa kaniya. Ramdam na ramdam ko kasing gusto niyang lumapit sa akin ngunit hindi niya alam kung papaano dahil nandito ang mga kaibigan ko lalo na si Jared.
"Kukuhain ko lang ang kotse ko nang maihatid natin si Zen sa hospital."
"S-salamat." Nakangiting sabi ko.
"Irereport ko 'to sa Dean niyo. Hindi na 'to makatarungan." Tiis bagang sabi ni Jared habang nakatingin kay Carlo.
"J-jared..."
"Anong Jared?! Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Linggo-linggo ka nalang may pasa! Kung hindi pasa, sugat naman!"
"Okay. I will help you." Sabi ni Carlo na ikinagulat namin.
"You should. Ikaw naman kasi ang dahilan kung bakit sa kaniya 'to nangyayari." Seryosong sabi naman ni Jared.
"Jared naman eh! Malalagot ako nito kay Mommy!"
"Malalagot ka talaga dahil sasabihin ko na ang lahat kay Tita!"
"J-jared..."
"Ayaw ko mang sabihin pero ito lang ang tamang paraan para hindi ka na mapahamak. Hindi ako nag-aaral dito kaya hindi kita mababantayan. Ang ganda pa naman ng school na 'to pero mga basagulero lang pala ang mga tao."
Ngumuso naman ako sa kaniya kaso inirapan niya lang ako.
Maya-maya lang ay makarinig naman kami ng tunog ng kotse na papalapit sa amin. Huminto naman ito sa tapat ko at lumabas dito si Ron na bakas din ang pag-aalala sa mukha nito.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Tienerfictie[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
