Chapter 29

502 20 0
                                    

Zen's POV

Nagdaan ang mga araw na ganoon pa rin ang mga nangyari. Papasok sa kampus at didiretso sa trabaho pagkatapos ng klase. Mabuti na nga lang at hindi na muna nagpaparamdam ang mga nambubully kaya nagkakaroon ako ng oras para magliwaliw.

Minsan naman kapag may natitira akong oras o wala akong magawa ay nagbabasa ako ng mga diksyonayo. Mahigit ilang libro rin ang binabasa ko. At halos lahat ng mga gala ko sa kampus ay sa silid-aklatan lang talaga.

Dito naman sa trabaho ay halos kakilala ko na ang lahat ng mga crew. Nagagawa ko na ring makipagbiruan sa kanila. Atsaka, marami na rin akong natutunan at kaya ko na rin mag-isa sa kahera ng walang katulong o nagbabantay sa akin.

Minsanan nalang din kaming magsabay ni Michael kumain dahil palagi siyang may inaasikaso. Kaya naman ay sina Princess o sina Dave nalang ang madalas kong kasabay kumain. Minsan naman ay si Ma'am Marlyn kapag niyayaya ako.

"Tara na?" tanong ni Jared nang makababa ako sa sala.

"T-Tara."

"Bakit parang hindi ka mapakali?"

"Kinakabahan lang talaga ako."

"Kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?"

Ginulo naman niya 'yung buhok ko. Ngayong araw na kasi ang semifinals ng spelling bee na sinalihan ko. Puwede raw magsama kaya isinama ko sina Mommy at Jared. Mabuti nalang daw at nasabihan ko kaagad si Mommy kaya nakatawag pa siya sa opisina nila para lumiban muna sa pagpasok. Si Michael naman daw ay susunod nalang daw doon, may aasikasuhin lang daw kasi siya.

Pagkarating namin sa kampus ay halos mapuno na gymnasium dahil sa dami ng tao. Nakaupo naman sa bleachers ang mga estudyanteng manonood. At nakaupo naman sa monoblock na upuan sa gitna ng gym ang mga magulang ng mga kasali sa contest.

Mula sa hindi kalayuan ay natanaa ko naman sina Melody. Paglapit nila sa amin ay kinumusta naman sila.

"Kamusta kayo mga, Iha?"

"Ayos lang po. Medyo excited lang din po kami sa laban ni Zen."

Nagchat naman sa akin si Michael na nasa gate na siya kaya pinaupo ko muna si Mommy. Sumunod naman ay sinamahan naman ako nila Alina para sunduin si Michael sa labas.

"Grabe! Kahit hindi ako kasali sa contest, kinakabahan din ako."

"Kaya nga, eh. Parang lalabas na 'yung puso ko sa lakas ng tibok."

"Ang dami pang tao kaya mas lalong nakakakaba."

Hindi naman ako umimik dahil kahit ako ay labis ring kinakabahan.

"Kaya, kailangan mong galingan, te!"

"Oo."

"Libre mo kami kapag nanalo ka, ha?"

"Hoy, Nuelle! Manahimik ka nga diyan!"

"Ayos lang. Nagsabi na rin ako kanila Jared na isasama ko kayo mamaya."

"Ayown! Sanaol nalang talaga!"

"Hahaha!"

"Nga pala, may surprise kami sa'yo, Zen," wika ni Shane.

"Ano 'yun?"

"Later na kapag nagsimula na."

"Sige-sige, salamat."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now