Chapter 24

532 22 0
                                    

Zen's POV

Kinabukasan ay pasado alas-nuebe na ako nagising. Pagkatapos ko ring mailigpit 'yung higaan ko ay bumaba na ako sala. Pagdating ko sa baba ay halos magulantang nalang ako dahil nakaupo sa sala namin 'yung anak nung Congressman, na kausap ngayon mismo ni Jared.

"Good morning, baby," bati niya sa akin kaya binatukan naman siya ni Jared.

"A-Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang bawal ang pangit dito?"

"Woi, ang sama mo naman! Magsama nga kayo ng pinsan mong hilaw!"

Hindi ko naman mapigilang matawa dahil sa panglalait nito sa pinsan ko.

"Tch."

"So, bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit sa kaniya kaya tumingin naman siya kay Jared.

"Kumain ka muna. Pagkatapos mo ay pumunta ka na dito dahil may pag-uusapan tayo."

"S-Sige."

Napakunot naman ako ng noo sa pagtataka sa kung ano ang pag-uusapan namin. Dahil sa kursyonidad ay mabilis ko lang tinapos 'yung pagkain ko at dali-dali ng pumunta sa sala.

"Ang bilis mo naman kumain. Excited ka sa akin, 'no?" aniya kaya inirapan ko naman siya.

"Ulol, 'wag ako."

"Hahaha! Laptrip ka talaga kahit kailan!"

"Nasaan si Jared?" tanong ko sa kaniya nang makaupo ako sa sofa na kaharap niya.

"May binili lang diyan sa labas."

"Ano pala 'yung pag-uusapan?" pag-uusisa ko.

"Ia-arrange marriage daw tayo."

"Kadiri! Kung ako sa'yo, umuwi ka na. Nagdidilim lang ang paningin ko sa'yo."

"Hahaha!"

"Tch, ano nga?"

"Mamaya nalang pagdating ni Jared."

"Siguraduhin niyo lang na may dulot 'yung sasabihin niyo kun'di, tatadyakan ko kayo pareho. Nagmadali pa naman ako kumain."

"Matutuwa ka. Baka nga pakasalan mo pa ako, eh."

"Eh, kung sakalin kita?"

"Hahaha!"

"Saya mo, 'no?"

"Siyempre naman!"

Tumayo naman ako.

"Saan ka pupunta?

"May kukunin lang ako sa taas."

"Sige."

"Kapag may nawala diyan, magtago ka na."

"H-Hindi ako magnanakaw, 'no!"

"Malay ko ba."

"Tch, mapanakit!"

Pagka-akyat ko sa taas ay kinuha ko lang 'yung selpon ko, tapos ay bumaba na rin ako. Mabuti nalang at nandoon na si Jared kaya agad niya akong tinawag at pinaupo sa tabi niya.

"Ano na 'yung sasabihin niyo?"

"Patungkol nga sa kasal natin."

Inis naman kaming napatingin sa kaniya kaya napakamot nalang siya sa batok niya.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now