Zen's POV
"Zen, makikisuyo lang sana ako. Puwedeng patingnan ng puwesto ko. Magpaparequest-off lang ako kay Sir Louie," sabi ni Aira sa akin.
"Sige."
"Salamat."
Kasalukuyan naman akong nasa trabaho ngayon. Pumunta na ako sa kahera para pumalit muna sa kaniya. Sina Aira, Isabelle, Lilliana at si Jocel ang mga kasama ko ngayon. Mabuti nga at konti palang ang mga pumapasok na kustomer kaya petiks muna kami. Mamaya pa kasing alas-syete ng gabi ang uwian ng mga taga-jru.
Habang nag-aantay ay nakita ko naman sina Kemcee at Angelika na kapapasok lang sa store na nakapang jru uniform.
"Uy, Zen!" bati ni Kemcee sa akin.
"Hello," bati ko din sa kaniya.
"Napaka-eskandalosa mong pangit ka!" paismid na wika ni Angelika sa kaniya.
"Hoy, unggoy! Manahimik ka diyan!" sagot naman sa kaniya ni Kemcee.
"Mas mukha kang unggoy! Nakikiprenny ka pa sa amin ni Zen."
"Hoy! Wala siyang kaibigang unggoy!"
"Wala rin siyang kaibigan pangit!"
Natawa nalang talaga ako sa kanila. Ganiyan talaga sila kapag nag-uusap. Dati ko kasi silang kaklase noong grade 12 sa Highway Hills. Crew din si Kemcee ng McDonald's sa may Starmall. Kasama niya si Katherine.
"Alam mo Zen, dapat hindi mo kinakausap 'yung ganitong tao," sabat ni Angelika.
Bigla naman siyang sinabunutan ni Kemcee pero tinawanan lang siya ni Angelika.
"Wala kang dulot unggoy ka! FO na tayo!"
"Okay lang! Ikaw lang kasi ang pinakamabaho kong kaibigan!"
"Ikaw naman ang pinakapangit kong kaibigan!"
"Naku Zen, ilayo mo 'yang selpon mo sa kaniya. Nakawin niya ulit 'yan!"
"Pakyu ka!"
"Alam mo Kemcee, magbagong buhay ka na! Muntik ka na namang umerna dito sa jru."
"Huwag kang ano! Napigilan ko pa kanina!"
Napailing nalang ako sa katatawa dahil sa kakulitan nilang dalawa.
"Ano pala order niyo?"
"Puwedeng manghingi nalang kami ng burger?" sabi ni Kemcee kaya natawa naman kami ni Angelika.
"Ang dumi mong bakla, Kemcee! Napakapatay-gutom mo!"
"Mas madumi kang unggoy!"
"Hahaha!"
"'Yung letter A nalang sa amin."
"Dine in or take out?"
"Oo, te," natawa naman kami ni Kemcee sa naging sagot ni Angelika.
"Boploks kang bata ka!"
"Dine in kasi 'yun."
"Hahaha!"
"Magkano pala 'yung babayaran namin, Zen?"
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...