Zen's POV
Paggising ko kinabukasan ay halos hindi ko naman maigalaw ang buong katawan ko sa panghihina. Para bang namimilipit sa sakit ang buong katawan ko. Ang sakit din ng lalamunan ko. Tapos parang mabibiyak din ang ulo ko sa sakit. Hindi na din ako magtataka kung ngayon lang umepekto doon sa kinain kong hipon kahapon.
Kahit na ang hirap tumayo ay pinilit ko pa ding kumilos. Hindi ako puwedeng lumiban ngayon dahil may pagsusulit kami. Pagkatapos kong magbihis ay nagsuot nalang din ako ng dyaket dahil nilalamig din ako kahit na ang init-init ng panahon. Pagdating ko sa school ay bumalik na ulit sa dati ang lahat, wala na ding bulungang nagaganap matapos ang pagsabog na naganap noong nakaraang araw.
Nasalubong ko naman sa lobby 'yung transferee na lalaki. Kumunot naman ang noo nito sa akin bago ako nilagpasan sa paglalakad. Pagdating ko naman sa taas ay tumungo muna ako sa ibabaw ng upuan ko para makapagpahinga muna kahit saglit. Para na kasi akong masusuka.
"T-Te, ayos ka lang?"
Napaangat naman ako ng tingin nang sabay-sabay na nagsipalapitan sa akin sina Marlene.
"O-Oo, medyo nahihilo at nasusuka lang ako."
"Gusto mo bang pumunta muna sa infirmary? Namumula ka kasi," tanong ni Rhea sabay lapat ng kamay niya sa leeg ko.
"H-Hindi, ayos lang ako. Parating na din naman 'yung Prof natin."
"S-Sigurado ka, ha? Pero kapag hindi pa din maayos ang lagay mo mamaya, samahan ka na namin sa infirmary."
"S-Salamat."
"Wala 'yun, te. Kaibigan ka namin kaya nag-aalala talaga kami sa'yo."
Pagkaalis nila ay siya namang pagdating ng Propesor namin. Hindi na rin ito nagsalita pa ng kung ano-ano pa at agad na ding ibinigay 'yung test questionnaire. Hindi naman muna ako nagsimulang magsagot dahil umiikot na talaga ang paningin ko. Makailang sandali lang ay pinilit ko pa ding magsagot dahil ayokong bumagsak dahil lang dito.
Napatingin naman ako sa katabi ko dahil patapos na siya. Tinaasan naman niya ako ng kilay sabay takip sa papel niya. Napairap nalang ako dahil kahit na matalino siya, wala naman akong balak na kopyahin ang sagot niya. Bumalik nalang ako sa pagsasagot dahil baka lalo lang akong mawalan ng gana kung makikipagtalo pa ako sa lalaking 'to.
Nakasimangot nalang ako habang nakatingin sa papel ko dahil ang hahaba ng mga babasahin. Parang ayon nalang mismo ang pumuno at sumakop sa buong papel. History nga pala ang asignaturang ito kaya asahan ko na puro basahin ang mga nakapaloob dito. Mabuti nalang at bago matapos ang oras ay natapos din ako.
"Ano te? K-Kaya mo pa ba? D-Dalhin ka na kaya namin sa infirmary? Hindi kasi kami mapalagay kapag ganiyan ka, eh," wika ni Nuelle kaya ngumiti nalang ako ng pilit.
"M-Medyo maayos-ayos na din ang pakiramdam ko."
"S-Sigurado ka, ha?"
"Oo."
Hindi ko na din hinubad 'yung dyaket na suot ko dahil paniguradong mahahalata agad 'yung mga pantal ko sa katawan. Kumilos naman ako ng natural kahit na hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ko. Pagdating sa cafeteria ay bumili lang ako ng tubig. May dala naman akong gamot dito kaya ayos na 'to. Ayoko muna kasing kumain ng mga kung ano-ano dahil masusuka lang ako.
"Puwedeng makiupo?"
Napalingon nama kami ng biglang sumulpot si Ron sa gilid namin.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Ficção Adolescente[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
