Chapter 64

595 17 0
                                        

AUTHOR'S NOTE:

More english words ahead! Thank you!







































Zen's POV

"Anong nangyayari dito?"

Halos manigas naman ako sa kinatatayuan ko ngayon at napabitaw nalang sa kamay ni Carlo nang mapagtanto kong si Mommy pala 'yun.

Nagtataka naman siyang tiningnan kami.

Nagsipag-alisan naman ang lahat ng mga kaibigan namin. Tanging ako, si Jared at si Carlo na lamang ang natitira sa harapan ni Mommy.

Hindi ko naman kung paano na ako kikilos sapagkat kinakain na talaga ako ng takot ko ngayon. Ang lakas din ng tibok ng puso ko kaya pakiramdam ko ay magkakaroon ng hindi maganda. Mas lalo ding nangatog ang tuhod ko at pakiramdam ko na anumang segundo ay matutumba na ako sa panghihina nito.

Ano ba kasing ginagawa dito ni Carlo at hindi pa siya umuuwi?!

Nang tumama ang paningin ko kay Jared ay masamang titig naman ang nakuha ko sa kaniya kaya napalunok na lamang ako. Kahit na ganun ay naiinis pa din ako sa ginawa nila kay Carlo.

Lumapit naman sa amin si Mommy at napatingin naman ito kay Carlo na parang nagtataka kung ano pa ang ginagawa niya sa ganitong oras dito sa amin. Nang mapunta naman ang titig sa akin ni Mommy ay mauubusan na ata ako ng dugo dahil hindi ko mawari kung ano nasa mata niya.

"Bakit nasa labas pa kayo?" Tanong ni Mommy ngunit walang sumagot ni isa sa aming tatlo.

Napahinga naman ako ng malalim.

"Ikaw, Iho. Gabi na. Bakit nandito ka pa?" Tanong naman ni Mommy kay Carlo.

Mga ilang segundo na ang nakalilipas ngunit wala man lan akong narinig na tugon mula sa kaniya.

"I just give Zen a ride." Napahinga naman ako ng maluwag nang magsalita na si Carlo.

Tumango naman si Mommy sa kaniya.

"Ilang minuto na siyang nakauwi at kanina pa 'yun. Eh, bakit hanggang ngayon hindi ka pa din umaalis?" Nasa tono naman ni Jared ang inis.

Hindi naman muling nakasagot si Carlo.

"Atsaka, sino ka sa tingin mo para magmataas dito?!"

"Ano bang problema mo, Jared?" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Hindi mo ba narinig kanina? Sinaktan nga daw niya si Jericho."

"Kasi nga hinawakan daw siya."

"Eh, ano naman kung hinawakan siya?"

Napakuyom naman ako dahil mukhang pinipersonal na ni Jared ang inis ni kay Carlo. Mukhang dinadamay na niya kasi sa usapan namin 'yung naging alitan namin ni Carlo dati.

"Malamang na ganun nalang ang magiging reaksyon niya. Hinawakan siya ng taong hindi niya kilala, eh."

"Bakit mo ba siya pinagtatanggol?! Nakalimutan mo na ba ang mga katarantaduhang ginawa sa'yo ng tarantadong 'yan?!"

"Hindi kasama sa usapan ngayon ang naging alitan namin." Walang gana kong sabi sa kaniya ngunit kunit na noo lang ang natanggap ko sa kaniya.

"Ano bang mayroon at pinagtatakpan mo ang ginawa ng isang 'yan?"

Natahimik naman tuloy ako sa itinanong ni Jared.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now