Zen's POV
Nagsisimula na ang laro, ngunit kapansin-pansin pa rin ang mga nagtatakang tingin ng ilan sa mga kaklase ko habang nakaupo ako sa gilid ng court. Alam kong iniisip nila kung bakit ako nandito, tila hindi nila inaasahang makikitang handa akong sumabak sa laro.
Nagtipon kami ng mga kakampi ko sa isang sulok, seryosong pinag-uusapan ang magiging plano namin. Alam naman naming malaki ang tiyansang matalo kami-mga star player ang kalaban, at halatang matataas ang level ng kanilang laro. Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na kami. Determinado kaming lumaban hanggang sa dulo.
Napansin ko ang matalim na mga titig ni Carlo na nakatuon sa akin, pero binalewala ko na lang. Wala akong balak na pansinin siya ngayon. Akala niya siguro natutuwa ako sa ginawa niyang pambabastos kanina sa banyo. Ang totoo, gusto ko nang sagutin siya, ngunit pinilit ko na lang na huwag magpadala sa emosyon.
Nahagip ng tingin ko si Ma'am Ayra nang lumapit siya sa amin. "Zen, sasali ka ba?" tanong niya, halatang nag-aalinlangan.
"Opo," mabilis kong tugon.
Nakita kong sandaling nagulat si Ma'am, ngunit nagbigay siya ng isang matamis na ngiti. "Okay. Good luck!"
Bakit ba parang lahat sila ay nagugulat? Huhuhu. Parang hindi sila makapaniwala na kaya ko rin naman.
Si Kenneth ang napili naming makipaglaban sa jump ball dahil siya ang pinakamatangkad sa amin. Sa kabilang banda, halos lahat ng kalaban ay matatangkad, kaya't kami ay nagsipuwesto na sa gilid, umaasang maagaw namin ang bola.
"Are you all ready, class?" malakas na sigaw ni Ma'am Ayra.
"Yes, Ma'am!" sabay-sabay naming sagot, dama ang excitement at kaba sa hangin.
Pagkakahagis ng bola pataas, nakapuwesto na agad ako para sumalo. Nang matapik ito ni Kenneth papunta sa direksyon ko, mabilis kong kinuha ang bola at tumakbo patungo sa court namin, hindi alintana ang mga kalaban.
Nang mai-shoot ko na ang bola, biglang napuno ng katahimikan ang buong gymnasium. Bumaling ako sa mga kakampi at kalaban ko, nagtatanong ang aking mga mata kung bakit parang walang kumilos upang agawin ang bola sa akin. Para silang tulala at hindi makapaniwala sa ginawa ko.
"Ano'ng ginagawa n'yo?" tanong ko, litong-lito, pero nanatili silang tahimik at nakatulala.
Maya-maya lang, nagising ang lahat sa sigawan at palakpakan na nag-uumapaw sa buong gym.
"WHOOOO!!!"
"NICE ONE, POKSSS!"
"GOOO ZEN!"
Nagkakagulo sa tuwa sina Alina, kasama pati ang iba pa naming kaklase na nag-cheer sa amin.
Lumapit ako sa mga kakampi ko na parang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. "Ang angas, Zen! Grabe ka!" sigaw nilang sabay-sabay na tila namangha.
"Ang oa niyo naman," sagot ko na natatawa.
"Totoo nga!" dagdag nila, halos hindi na mapigilan ang kilig.
"Nakita n'yo naman ako kanina pang naglalaro, e," sagot ko.
"Basta ang angas, Zen!" sigaw ng isa pa, na para bang ako na ang pinakamagaling.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
