Chapter 75

884 14 0
                                    

Zen's POV

Ngayon na ang araw ng alis namin kaya agad na rin akong naligo at nagbihis. Pupunta daw kasi sila dito bago mag-alas otso ng umaga. Pagdating ko naman sa baba ay naabutan ko naman na nagkakape si Jared habang nanonood ng telebisyon.

"May pasok ka?" aniya.

"Hindi, gagala lang kami."

"Sige, mag-ingat kayo. Huwag ka ding masyadong magpapagabi."

Pagdating ko sa labas ay sakto namang paghinto sa harapan ko ng hindi ko kilalang sasakyan. Pagbaba ng bintana ay bumungad naman doon si Ron.

"H-Hey," aniya.

Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil sa pagkabigla at pagtataka. Kinalaunan ay ngumiti nalang ako ng pilit sa kaniya. Bago pa man ako pumasok sa loob ng sasakyan niya, napansin ko naman sa hindi kalayuan si Ate Jhoanna. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay dali-dali naman itong nagtago at tumakbo palayo sa akin. Napakunot naman ako ng noo dahil mukhang may hinala na ako, at halos lahat ng 'yun ay umaayon sa sitwasyon dahilan para makonekta ko sa isa't-isa ang lahat ng mga bagay na nalalaman ko.

"S-Sorry kung hindi kita nasabihan na pupunta ako dito, wala kasi akong makasabay kaya dinaanan nalang kita."

"Mabuti nahanap mo ang bahay namin."

"'Yung kanto lang ang nabanggit ni Carlo sa akin kanina kaya nagtanong-tanong nalang ako. Mabuti nalang at may nakakakilala sa'yo kaya ako nakarating dito. Kung hindi ka pa lumabas, baka lumagpas na ako," natatawang tugon niya.

Tumango naman ako sa kaniya.

"Anyway, sinabi na ba ni Carlo sa'yo na susunod nalang daw siya after ng seminar nila?"

"Oo, nagsabi siya akin kagabi. Saglit lang naman daw gaganapin 'yun kaya makakahabol naman daw siya sa atin."

"That's good. So, alis na ba tayo? O baka may nakalimutan ka pang dalhin?"

"Wala na. Sige, alis na tayo."

"Sige."

Pagkaalis namin ay sa bintana lang ako nakatingin. Napupuno na naman kasi ng maraming tanong at pagtataka 'yung utak ko kaya hindi ako mapakali ng maayos. Nahihilo na kasi ako kung ano na ba ang gagawin ko. Kahit na ayaw ko mang isipin, kusa nanan itong pumapasok sa utak ko. Tapos doon na magsisimulang gumulo ang utak ko dahil sa mga hinala kong wala pa ding kasagutan hanggang ngayon.

Ayoko din magpadalos-dalos at idaan sa init ng ulo ko dahil baka magkandagulo-gulo pa at maaaring mabaliktad ang mga bagay-bagay. Kailangan ko pa kasi ng sapat na ebidensya para kalkulahin ang mga naipon ko, ngunit kapag ginagawa ko na ay wala akong nakikita o nahahanap. Tuwing hindi ko lang talaga inaasahan na panahon lumalabas ang mga ebidensya pakonti-konti. Kailangan ko ding maghinay-hinay ang doblehin pa ang mga kilos na gagawin ko.

Kaya habang wala pang nangyayaring kakaiba ay magiging inutil muna ako sa harapan nila para isipin nila na wala akong alam. Pero kailangan ko pa din maging alerto sa bawat oras at segundo, dahil magkamali lang ako ng isang hakbang ay paniguradong malaking kapahamakan 'tong pinasok ko. Baka nga ay may madamay pa kung sakali man. Pero hindi ako papayag ako na mangyari ang ganung bagay. Hangga't maaari ay dodoblehin ko pa ang pag-iingat ko habang iniimbestigahan ang bawat isa para sa makukuha kong sagot na matagal ko nang inaalam.

May parte kasi sa akin na hindi ko matanggap kung sakaling tama ang mga hinala ko. Mahalaga sila sa akin at ayokong masira 'yun dahil lang sa isang bagay. Pero kung sarado na ang utak nila, wala na akong magagawa laban doon. Pero habang kaya ko pa, titiisin ko ang lahat baka sakaling makatulong ako na mabago ang pananaw nila.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now