Chapter 49

466 17 0
                                    

Zen's POV

Pasado alas tres na din kami nakarating ni Michael sa hospital kung saan naconfined si Jared. Sila Tita, Mommy at Tito naman ay umuwi na muna para makapasok pa sa trabaho. Kailangan din daw nilang magsabi sa mga HR nila dahil sa biglaang pagliban nila dahil sa pangyayaring ito.

Kaming dalawa nalang ni Michael ang naiwang bantay dito kaya wala kaming nagawa kundi ang mag-usap ng mga kung ano-ano.

Panay daldal lang sa siya sa akin pero hindi naman ako nagsasalita. Nakatitig lang ako kay Jared habang wala pa ring malay. Wala din kasi ako sa mood ngayon. Mabuti nalang at nandito si Michael. At least kahit papaano ay napapawi niya ang lungkot ko.

"Kailan ka pala papasok ulit sa trabaho? Pero, okay lang naman kung ayaw mo munang puma-"

"Sa Tuesday nalang siguro."

"S-sige. Ikaw bahala."

"Dito ka muna Michael. Pabantayan muna si Jared."

"Saan ka pupunta?"

"Restroom."

"O-okay. Um, gusto mo ba samahan kita?"

"Hindi na. Wala kasing maiiwan dito."

"S-sige."

Pagkalabas ko ay pasimple muna akong sumilip sa kwarto ni Ron. Nakangiti naman ako ng maluwag ng makita kong gising na siya at nakikipagtawanan na sa kanila.

Gusto ko sanang pumasok kaso ayaw kong umeksena kanila. Baka mas lalong magalit lang sa akin ang mama niya. Maging dinosaur pa 'yun.

Hinanap naman ng mata ko si Carlo kaso diko naman siya makita.

Tsk. Bakit ko ba siya hinahanap?!

Inis naman akong tumalikod at naglakad papunta sa restroom. Mabuti nalang at walang katao-tao. Pumunta na ako sa sink para maghugas ng kamay.

Nanlaki naman 'yung mata ko nang makita ko sa pintuan si Carlo habang nakatitig sa akin. Saktong pagharap ko sa kaniya ay nasa harapan ko na siya. Agad naman akong napaatras ng biglaang niyang hinarang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko.

"Carlo." Mahinang sambit ko sa pangalan niya. Hindi naman niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin.

Kahit kaya kong umalis dito ay nawawalan talaga ako ng lakas kapag nakatitig siya sa akin. Para bang nilalamon ako ng presensya niya kaya kahit pagkilos at pagkurap man lang ay hindi ko magawa-gawa.

Nang makarinig kami may papasok dito sa loob ay agaran niyang hinila ang kamay ko papasok sa isang cubicle.

"Hoy, ano-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang isinandal niya ako sa pintuan nitong cubicle. Tinakpan din niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Don't talk." Mahina pero seryoso niyang sabi sa tenga ko.

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik nalang kahit parang sasabog na ako sa hiya at kaba.

Saka ko lang din napansin na nakauniform pa din siya.

Hindi pa ba siya umuwi simula kahapon?!

Sampung minuto na ang nakalipas ngunit nasa ganitong posisyon pa din kami. Nakatitig lang din siya sa buong minutong 'yun.

Naglakas na ako ng loob na kalabitin siya kaya kinunutan naman niya ako.

"What?" He said in lower voice.

Itinuro ko naman 'yung kamay niya para sabihing tanggalin niya na ito sa bibig ko.

"Don't." Sabi niya kaya tinaasan ko naman siya ng kilay. Hinawakan ko na ang kamay niya para tanggalin ito.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now